^

Punto Mo

Mas masarap at masustansiya itim na kamatis pinatutubo na sa U.S.

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kakaibang klase ng kamatis ang pinapatubo ngayon sa Oregon, USA at sa kabila ng kakaibang kulay nito ay sinasabing mas masustansya pa ito kaysa mga pangkaraniwang kamatis.

Ang mga itim na kamatis, na tinaguriang Indigo Rose, ay dinebelop ng mga dalubhasa sa Oregon State University. Layunin nilang makagawa ng isang klase ng kamatis na mayroong antioxidant na kung tawagin ay anthocyanin. Mahalaga ang anthocyanin sa paglaban sa mga karamdaman na katulad ng diabetes at sa pagsugpo ng obesity o labis na katabaan.

Nagtagumpay naman ang proyekto ng mga taga-Oregon State University dahil nagawa nilang makagawa ng mga itim na kamatis sa pamamagitan ng paghahalo ng mga kulay pula at mga kulay violet na kamatis. Ang mga itim na kamatis na kanilang nagawa ang sinasabing kauna-unahang prutas sa mundo na nagtataglay ng anthocyanin.

Hindi lang sa kulay naiiba ang mga itim na kamatis dahil sinasabing mas malasa pa ito kumpara sa mga karaniwang kamatis na nabibili sa mga tindahan.

Plano nang ipagbenta sa publiko ang mga itim na kamatis ng isang kompanya sa United Kingdom na nakakuha ng lisensya mula sa mga lumikha ng kakaibang kamatis mula sa Oregon.

INDIGO ROSE

ITIM

KAMATIS

LAYUNIN

MAHALAGA

NAGTAGUMPAY

OREGON STATE UNIVERSITY

PLANO

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with