^

Punto Mo

‘Mga pawis at gantimpala’

- Tony Calvento - Pang-masa

KAPAG narinig natin ang salitang ‘laro’ ang unang pumapasok sa atin ay kasiyahan, at ginagawa lamang upang magpalipas ng oras. Pero para sa ating mga atletang kumakatawan sa ating bansa ito ang kanilang buhay. Matinding pagsasanay ang kanilang pinagdadaanan bago pa sila sumabak sa laban, mas matagal pa nga ang oras na ginugugol nila dito.

Isa sa mga dahilan kung bakit kilala ang Pilipinas sa buong mundo ay dahil sa galing na pinapamalas ng ating mga atleta, kaya naman bilang suporta sa ‘Philippine Sports’, ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay nag-turn over kamakailan lang ng mahigit P7.9 milyong piso bilang ‘cash incentives’ sa mga kababayan nating atleta at sa kanilang mga coach na nanalo sa major international competitions ngayong taon. Sa kabuuang halaga, 2.5 milyong piso ay napunta kay Luis Gabriel Moreno, 16 taong gulang. Nakuha niya ang gintong medalya sa archery competition noong 22nd Youth Olympic Games sa Nanjing, China nitong Agosto. Pinagkaloob din ng PAGCOR ang 5.4 milyong piso sa 15 na Pilipinong atleta at sa kanilang coach na nanalo ng gold, silver at bronze medals sa 17th Asian Games na ginanap sa Incheon, Korea mula noong ika-17 ng Setyembre hanggang Oktubre 4 ng kasalukuyang taon.

Ayon sa Presidente ng PAGCOR at COO Jorge Sarmiento, ang cash incentives na ito ay ibinigay para ma-motivate ang ating mga atleta na mag ensayo pa at pagbutihin pa sa kanilang mga laban sa tuwing kinakatawan nila ang bansa. “Ang pagbibigay pugay sa ating mga pambansang atleta matapos ang kanilang tagumpay sa kahit ano mang international event ay hindi lamang pagkikila sa kung ano ang kanilang nakamit, pagpapakita rin ito ng taos-pusong pagpapahalaga sa kanilang pagsisikap na mai-representa ang ating bansa,” wika niya.

Ang pagbibigay ng cash incentives ng PAGCOR ay alinsunod sa Republic Act 9064 na kilala din sa tawag na Sports Benefits and Incentives Act of 2011. Nakasaad sa batas na ito ang pagkakaloob ng pera bilang parangal sa mga Pilipinong atleta at coach na nanalo sa mga pangunahing sports events. Sa ilalim ng pangangasiwa ng kasalukuyang administrasyon ng ahensiya – mula noong Hulyo 2010 hanggang Set­yembre 2014, ang PAGCOR ay naglabas na ng halos 50 milyong piso para dito.

Ayon kay Sarmiento, bukod dito ang PAGCOR ay nagbibigay din ng pondo sa Philippine Sports Commission (PSC) alinsunod naman sa Republic Act 6847. Ang batas na ito ay nilikha upang hikayatin at sustinihan ang Philippine sports. “Mula noong 1990 hanggang Setyembre ng kasaluku­yang taon, ang PAGCOR ay nakapag-remit na ng 9.92 bilyong piso sa PSC, 27%  o 2.69 bilyong piso ang na-remit ng PAGCOR sa PSC  sa apat na taon lamang ng kasalukuyang pamamahala ng PAGCOR. Ang pondong ito ang ginamit para sa pagsasanay ng ating mga atleta,” dagdag niya.

Nabanggit ng PSC Chairman Richie Garcia ang asisteng ibinibigay ng PAGCOR sa mga programa ng PSC na ang benipesyaryo ay ang mga Pilipinong atleta. “Nagpapasalamat kami sa PAGCOR para sa walang sawang suportang ibinibigay sa amin. Ang aming mga programa ay kasalukuyang namamayagpag at ang ating mga atleta ay mas naging inspirado na magpakita ng kanilang galing, ngayong alam nila na ang kanilang sakripisyo ay kinikilala ng gobyerno,” dagdag niya.

Isa sa mga nagkamit ng pinaka malaking parangal sa 17th Asian Games ay ang baguhang boksingero na si Charly Suarez na nakatanggap ng kalahating milyong piso para sa nakuha niyang silver medal. Ayon sa 26 taong gulang na atleta, ito ay isang malaking biyaya kaya nais niya ibahagi ito sa kanilang simbahan bilang pagbabalik ng papuri sa Panginoon. “Iyon po ang paraan ko ng pagpa-pasalamat sa Panginoon na siyang nagbigay sa akin ng lakas at galing upang manalo sa Asian Games. Kaila­ngan kong ibalik sa Kanya ang pagpa-pala dahil kung hindi sa Kanya ay hindi ako makapagbibigay ng kara­ngalan sa ating bansa. Maraming salamat din sa PAGCOR sa malaking biyayang ito,” dagdag ni Suarez.

Samantala, ang Filipino-American cyclist na si Daniel Patrick Caluag ay nakatanggap ng isang milyong piso para sa pagkapanalo niya ng gold medal sa BMX event ng 2014 Asian Games. Limang daang libong piso naman ang natanggap ng kanyang trainer. Ang mga Wushu fighters na sila Daniel Parantac at Jean Claude Saclag na nanalo ng silver medal  ay nakatanggap bawat isa ng kalahating milyong piso mula sa PAGCOR at P250, 000 naman ang natanggap bawat isa ng kanilang coach.

Ang nakakuha naman ng bronze medal ay binigyan bawat isa ng P100,000. Kasama rito si archer Paul Marton dela Cruz, ang mga boksingerong sila Mario Fernandez, Mark Anthony Barriga at Wilfredo Lopez, karatedo Mae Soriano, taekwondo jins Levita Ronna Ilao, Samuel Thomas Harper Morrison, Mary Anjelay Pelaez, Benjamin Keith Sembrano at Kristie Elaine Alora, at wushu artist Francisco Solis. Ang kanilang mga coach naman ay nakatanggap ng P50, 000 bawat isa.

 (KINALAP NI I-GIE MALIXI)        

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landlines 6387285 / 7104038.

Ugaliing makinig ng CALVENTO FILES sa radyo, ang “Hustisya Para Sa Lahat” Lunes-Biyernes, 3:00PM-4:00PM at Sabado 11:00AM-12:00NN. Ang programang “PUSONG PINOY” na umiere naman tuwing Sabado, 7:00-8:00AM at makinig rin kayo ng programang “PARI KO” tuwing Linggo. Mula 9:30-10:30PM kasama sina Fr. Jojo Buenafe, Fr. Jason Laguerta at Fr. Lucky Acuna dito lang sa DWIZ882KHZ, sa am band.

ASIAN GAMES

ATING

ATLETA

KANILANG

PAGCOR

PISO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with