^

Punto Mo

Prutas na lasang tsokolate, mainam para sa mga nagdidiyeta

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG prutas na karaniwang tumutubo sa South America ang nabibigyang pansin ngayon dahil sa kakaibang lasa nito. Bukod kasi sa mabuti sa katawan dahil sagana  sa bitamina ay masarap din ang lasa na inihahalintulad sa tsokolate.

Ang prutas ay tinatawag na Black Sapote. Perpekto raw ang Black Sapote para sa mga nagdi-diyeta. Hindi na kailangang ma-guilty ang mga kumakain nito dahil mababa ang fat na taglay ng nasabing prutas. Sinasabi rin na apat na beses na mas sagana ang Black Sapote sa Vitamin C kaysa oranges kaya mainam ang pagkain nito sa pagpapalakas ng katawan laban sa mga sakit.

Bukod sa South America, matatagpuan rin ang Black Sapote sa Mexico, Australia, at maging sa Pilipinas. Sinasabing ang mga Espanyol ang nagdala ng Black Sapote dito sa Pilipinas. Kamag-anak ng persimon ang Black Sapote pero sa halip na pula ay kulay tsokolate ang loob nito.

Maaaring kainin ang Black Sapote ng hilaw ngunit marami rin ang gumagamit nito bilang sangkap sa paggawa ng mga panghimagas tulad ng cake, pudding, at marami pang iba.

BLACK

BLACK SAPOTE

BUKOD

ESPANYOL

KAMAG

MAAARING

PILIPINAS

SAPOTE

SOUTH AMERICA

VITAMIN C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with