Psychologically speaking… (Last Part)
Kapag ang ka-date mong babae ay hindi mo pa girlfriend at ganito ang reaksiyon habang nagkukuwentuhan kayo: Nilalaro ang dulo ng kanyang buhok o hinihimas ang kanyang jewelries habang kayo ay magkausap, ito ay senyales na type ka niya.
Ang pagiging kalmado ng iyong kausap ay hindi palatandaan na siya ay nagsasabi ng totoo. Obserbahan mo ang galaw ng kanyang kamay (hindi mapakali); paa (kakatwa ang posisyon o may involuntary movement), legs (hindi komportable ang pagko-cross legs). Ang kanyang katawan o torso ay nakapihit palayo sa iyo.
Palatandaan na “totoong tao” (walang kaplastikan) ang mga taong may malalalim na gatla (wrinkle) sa kanyang noo. Kaya siya nagkaroon ng mga gatla sa noo ay mahilig siyang magkunot ng noo at magtaas ng kilay kung nagre-react siya sa sinasabi ng ibang tao o nagmamasid sa mga pangyayari.
Ang lalaking pantay ang ring finger at hintuturo ay kadalasang bakla. Ang babaeng mas mahaba ang ring finger kaysa hintuturo ay kadalasang tomboy. May koneksiyon daw ito sa hormone level.
Mas malakas uminom ng alak ang mga taong mas light ng kulay ng mata kaysa dark-eyed. Sa mga Pinoy, mas light ang kulay ng mata kung ito ay gray or brown. Mas dark kung itim.
Napag-alaman sa isang pag-aaral na ang mga taong may high socio-economic status (mayayaman) ay hindi matiyaga sa mahabang kuwentuhan. Ang senyales na hindi na siya interesado sa mga ikinukuwento mo: Nagdo-doodle siya o kung ano-ano ang kinukutingting.
Kung alam mong madaldal ang iyong kausap at nagpi-feeling magaling, gumamit ka ng hand gesture kapag sinasagot mo siya. Kung nagkataong kayo ay nakatayo at magkaharap kayo, bahagya kang mag-step forward palapit sa kanya. Ang ganitong kilos ay nagbibigay ng impresyon sa iyong kausap na mas magaling ka at talo mo siya.
- Latest















