^

Punto Mo

‘Patapon na, Nabuo pa’

- Tony Calvento - Pang-masa

MARAMING bagay na sa paglipas ng panahon ay maluluma at masisira, na para bang wala na itong silbi. Ngunit sa halip na itapon ito, bakit hindi ito ayusin, at bumuo ng panibago na mas mapapakinabangan ng nakararami?

Hindi pa rin tumitigil ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pagtugon sa suliranin ng kakulangan ng silid sa mga pampublikong paaralan.

Kaugnay ito ng kanilang layon na mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Patuloy  pa rin ang pagpapagawa ng mga silid aralan.

Naniniwala rin ang PAGCOR na hindi pa sapat upang mabigyan ng maginhawang kapaligiran sa pag-aaral ang mga batang estudyante, kaya naman nagbigay sila ng school desk at upuan.

Sunod-sunod ang pagsalanta ng bagyo sa ating bansa nitong mga nakaraang buwan. Mara-ming mga klase ang nakansela at mga paaralan na binaha.

Ganun pa man, sabik na pumasok muli ang estudyante na si Angel Paldas, na nasa ikaanim na baitang ng Gov. D.M. Camerino Elementary School sa Cavite. Ito ay dahil sa mga bago at matitibay na school desk na naghihintay sa kanila na mula  sa PAGCOR.

Nakakapunit at nakakamantsa ng uniporme ang mga lumang upuan na matiyagang ginagamit nila Angel at ng kanyang mga kaklase.

Kaya sobrang tuwa ng mga ito nang mapagkalooban ng PAGCOR ang kanilang paaralan ng 80 two-seater school desks.

“Maganda po at makikinis ang mga bago naming upuan kaya’t nakakapag-aral na po kami ng maayos.  Hindi na rin po sumasabit ang mga uniporme namin sa mga naka-usli at kinakalawang na mga bakal kapag umuupo kami,” masayang pahayag ni Angel.

Lingid sa kaalaman ni Angel, na mula sa mga patapong stand ng slot machines gawa ang mga school desks na ito. Nagamit rin ng ahensiya ang kahoy na patungan ng mga lumang slot machines upang bumuo ng school armchair at teacher’s table.

Sa kasalukuyan, nakapag bigay na ng donasyon ang PAGCOR ng mahigit isanlibong upuan na gawa sa mga pinaglumaan na slot machine stands sa dalawampung pampublikong paaralan sa Pasay, Taguig, Pateros, Cavite at Oriental Mindoro.

Bukod sa mga stand nito, ang mismong steel casing o katawan ng mga patapong slot machine ay ginamit rin ng PAGCOR upang bumuo ng mga basurahan.

Ang mga nabuong basurahan ay nakatakdang ipamahagi ng PAGCOR sa ilang komunidad sa bansa bilang suporta sa Republic Act No. 9003 na kilala rin bilang Ecological Solid Waste Management Act.

Samantala, ang iba pang piyesa ng mga slot machine ay ido-donate din ng ahensiya sa ilang ‘charitable institutions’ gaya ng Tahanang Walang Hagdanan. Ito ay kanilang ginagamit na pandagdag sa mga livelihood projects para sa kanilang mga benepisyo.

Ayon kay PAGCOR Chairman Cristino Naguiat, Jr., sa ganitong paraan maipapakita natin sa buong mundo ang husay ng mga Pilipino sa pagbuo ng bagong kagamitan mula sa mga patapong bagay.

“Masarap sa pakiramdam na habang matagumpay nating naipagma-malaki sa mundo ang pagiging malikhain nating mga Pinoy ay marami ang nakikinabang sa ating recycling efforts,” wika ni Chairman Naguiat.

Katulong rin ng Pinoy Bayanihan Project ang PAGCOR sa paglikha ng mga school chair para sa mga pampublikong paaralan mula naman sa nakumpiskang iligal na troso. Ang proyektong ito ay isinasagawa ng ahensiya katuwang ang Department of Education (DepEd), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Technical Education ang Skills Development Authority (TESDA).

(KINALAP NI I-GIE MALIXI)

vuukle comment

ANGEL PALDAS

CAMERINO ELEMENTARY SCHOOL

CAVITE

CHAIRMAN CRISTINO NAGUIAT

CHAIRMAN NAGUIAT

PAGCOR

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with