^

Punto Mo

Manong Wen (58)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKAIDLIP si Princess sa sopa. Wala siyang kamalay-malay na isang anino ng lalaki ang lihim na nagmamasid sa labas ng kanilang bahay. Wala namang ginagawa ang anino kundi nakikiramdam lamang. Maya-maya, marahang nagpalakad-lakad sa may tapat ng bintana. Parang pinag-aaralan kung paano makakapasok sa loob.

Makalipas ang may 20 minuto ay nagising si Princess. Naalimpungatan pa siya nang malaman na nakaidlip pala siya. Parang ang tagal na niyang nakatulog.

Bigla siyang bumangon. Sa pagbangon ay natabig niya ang mga arnis na nakasandal sa pader at nasa ulunan niya. Bumagsak ang mga arnis at lumikha ng ingay.

Dinampot niya ang mga arnis at mahigpit na hina­wakan. Tinungo niya ang bintana at binuksan nang maliit. Sapat para makita ang gate. Wala naman siyang nakitang kakaiba. Iniluwang niya nang dahan-dahan ang bintana. Sinilip ang paligid ng bakuran. Wala siyang nakita.

Isinara niya ang bintana at ipinatong ang arnis sa ibabaw ng sopa. Tinungo ang kusina at ipinainit ang pagkain. Ngayon lang siya nakaramdam ng gutom. Kaninang sinusundan siya ng anino ay wala siyang naramdamang gutom.

Habang kumakain, iniisip niya kung sino ang sumusunod sa kanya. Hanggang sa maisip niya si Chester. Baka nga si Chester! Pero bakit pa siya susundan gayung pinrangka na niya ito noong magkita sila kamakalawa. Ayaw na niya rito. Nakita pa nito ang paglalabas niya ng lanseta. Hindi siya nagbibiro. Maaaring natakot na ito sa kanya.

Pero nag-isip din siya. Hindi niya dapat pagkatiwalaan si Chester. Maitim ang budhi nito. Niloko siya nito nang magkunwaring gusto siya. Napakasakit nang ginawa nito. Mabuti na lamang at hindi niya naipagkaloob ang sarili sa hayop na iyon. Pero muntik na sana.

Hindi niya malimutan ang tagpong iyon na muntik na siyang maangkin ni Chester.

Ipinagsama uli siya nito sa malaking bahay. Birthday daw ng kanyang mommy. May kaunting salu-salo. Pumayag siya. Nakilala na naman niya ang mga magulang nito.

Pero nagtaka siya nang dumating sa bahay nina Chester. Walang tao roon.

(Itutuloy)                                                                                                                                                                                                                                    

AYAW

BIGLA

BUMAGSAK

NIYA

PERO

SIYA

TINUNGO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with