^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi nadama ang hirap

Pang-masa

SINUBUKANG sumakay ni Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya sa Metro Rail Transit (MRT) noong Huwebes ng hapon. Ito ay para ma­laman kung ligtas sakyan ang MRT. Sumakay si Abaya dakong ala-una ng hapon sa Ortigas Station patungong North EDSA Station. Ligtas namang nakarating si Abaya sa North EDSA. Wala namang problema na naranasan habang nagbibiyahe sa ma­ikling oras. Hindi nagkaroon ng aberya. Pagbaba sa North EDSA, ininspeksiyon ni Abaya ang ginagawang station sa tapat ng SM City at Trinoma. Pagkatapos niyon ay umalis na si Abaya. Hindi siya nahirapan sa pagsakay sa MRT. Ni hindi siya pinawisan o nainip man lang.

Mabuti naman at sinubukan ni Abaya na sumakay sa MRT. Kaya lang, dapat itinaon niya ang pagsakay sa MRT sa umaga. Kung sumakay siya ng alas-sais ng umaga sa North EDSA Station, tiyak na makikita niya ang paghihirap ng mga pasahero para makasakay sa MRT. Sana, hinamon ni Abaya ang sarili at sumakay sa MRT sa oras na maraming tao at nagkukumahog para makapasok sa trabaho. Sana nakita niya kung gaano kahaba ang pila sa North EDSA na halos umabot na sa gate ng isang private subdivision. Bago makasampa sa station ang mga pasahero ay nagdanas na sila ng grabeng init, usok mula sa mga sasakyan at matinding alikabok habang nakapila. Para makakuha ng tiket o card, mahabang pila na naman ang bubunuin at saka pa lamang makakalapit sa rampa. Pero hindi pa doon natatapos ang kalbaryo sapagkat ang tren na dumating at sinakyan ng mga pasahero ay agad na tumirik bago pa makarating sa susunod na station. Kailangan nilang maglakad sa gitna ng araw patungo sa station para maghintay ng panibagong train.

Kung ganito sana ang naranasan ni Abaya, tiyak na magkakaroon siya ng pagpupursigi para ipra­yoridad ang pangangailangan ng MRT. Maaaring hindi siya magwawalambahala sa mga nangyayaring aberya na halos ay sunud-sunod na. Pinakamatindi ay nang mag-overshoot sa station ang isang tren at inararo ang barriers na ikinasugat ng 30 katao.

Hindi nga mararanasan ni Abaya ang hirap nang sumakay sa MRT sapagkat nang sumakay siya ay hindi naman rush hour. Anong mararanasan niyang hirap? Sana hinamon niya ang sarili at nagpakatotoo.

ABAYA

METRO RAIL TRANSIT

MRT

ORTIGAS STATION

SANA

STATION

SUMAKAY

TRANSPORTATION SECRETARY JOSEPH EMILIO ABAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with