^

Punto Mo

5 Kakaibang Pampaganda

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NARITO ang mga bagong tuklas na pampagandang hindi na ma-ngangailangan ng pagpapaopera.

1. Suka—may isang uri ng suka sa Asia (pero wala pa sa Pilipinas) na kung tawagin ay Kurozu. Ito ay suka na ginawa mula sa black rice. Inihahalo ito sa  “smoothie” o fresh fruit “shake” . Ang Kurozo ay may amino acids na nagpapababa ng cholesterol at nagpapaganda ng sirkulasyon ng dugo. Isang kutsarita ang inihahalo sa bawat baso ng “smoothie”.

2. Washing machine—papipiliin ka muna kung ano ang gusto mong ipahid sa iyong katawan at mukha para sa resultang mala-beybing kutis. Pagkatapos aplayan ang balat ng isang uri ng lotion, sasakay ka sa isang machine na kamukha ng isang washing machine. Doon ay ita-tumble ka na parang damit sa loob ng kalahating oras. Pagkatapos kang kalog-kalugin ay isang malambot at makinis na kutis ang sasaiyo na tumatagal ng isang linggo. Available ang service na ito sa Bagus Spa sa Tokyo, Japan.

3. Anti-wrinkle jam—may iba’t ibang flavor na pagpipilian: green tomato, green tea, melon, mango, blueberry and blackberry. Ito ay ipinapahid sa mukha bilang facelift jam. Sa France lang available.

4. Liposuction squash—isang klase ng softdrinks na nakakatunaw ng calories. Ito ay pinaghalong green tea, caffeine at calcium. Ang effect sa katawan ay para kang nagpa-lipo. Hindi nabanggit kung ilang bote ang dapat inumin kada araw. Enviga ang brand name sa ilalim ng partnership ng Nestle at Coca-Cola Company. May tatlong flavors na pagpipilian: peach, berry at green tea. Sa US available.

5. Himalayan Goji Juice—nagtataglay ng anti-oxidant, protein at Vitamin C.  Bukod sa hindi nakakataba, nakakapagpalakas ito ng immune system at tumataas ang energy level ng isang tao. Available na sa Pilipinas.

 

 

 

ANG KUROZO

BAGUS SPA

COCA-COLA COMPANY

HIMALAYAN GOJI JUICE

ISANG

PAGKATAPOS

PILIPINAS

SA FRANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with