^

Punto Mo

15 Kasinungalingang Ginamit ng mga Magulang

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

…para maging masunurin ang mga anak:

1. Bawal uminom ng kape ang mga bata dahil hindi sila lalaki. Meaning, magiging bata na lang sila forever.

2. May monster na kumakain ng mga batang hindi natutulog sa tanghali (afternoon siesta). Sa aming bayan sa Laguna, “sipay” ang tawag sa kumakain ng bata. Ewan ko kung saan nagmula ang salitang iyon. Alam daw ng sipay kung sino-sino ang hindi natutulog. (May radar?)

3. Magiging genius kapag araw-araw ay iinom ng gatas. Magiging bobo kapag hindi uminom ng gatas. Pinili kong maging bobo dahil nasusuka talaga ako sa gatas.

4. Umiikli ang dila ng mga batang hindi gumagamit ng po at opo.

5. Marumi raw ang gulaman-palamig na ipinagbibili sa kalye at palengke. Ang magiging epekto ay pagdami ng bulate sa tiyan. Grade 1 at grade 2, medyo masunurin pa at mapaniwalain. Pero pagsapit ng grade 3 sinubukan kong bumili ng palamig sa labas ng gate ng aming school. Wala naman kasing palamig sa school canteen. Napa-juice ako, nang lumapat sa aking dila ang unang patak ng palamig. Napakasarap pala! Simula noon, kesehodang bulatihin ang aking tiyan, bumibili ako ng palamig tuwing recess.

6. Iwasang makalulon ng buto ng pakwan at dalanghita dahil tutubo iyon sa loob ng tiyan as in, magkakaroon ng puno sa loob ng tiyan.

7. Mabubusong (bad karma) ang batang nagtitira ng pagkain. Dapat ay ubusin ang lahat ng inilagay sa plato.

8. Ang batang hindi kumain nang hapunan ay hihiwalayan ng kanyang kaluluwa  pagsapit ng madaling-araw. Tumulog kasi nang hindi kumakain kaya maghahanap ng makakain ang kanyang kaluluwa.

9. Huwag kumain ng bubble gum. Dadami ang bubbles sa tiyan na makapagpapasakit dito.

10. Para huwag magpaaraw at manghuli ng tutubi kapag summer: Bigla kang magiging tutubi at huhulihin din ng mga bata.

11. Kapag hindi sinaid ang kanin sa plato, tutubo ang kanin sa iyong mukha.

12. Puputok ang tiyan na parang lobo kapag maraming kinain.

13. Hindi dapat awayin ng mga panganay ang kanilang naka­babatang kapatid. May kukuha sa kanila para sila na lang ang mag-alaga. Kapag itinanong ko kung sino ang kukuha, ang sagot ay -- basta hindi natin kakilala.

14. Tutubuan ng pigsa ang umuupo sa unan lalo na kung bagong palit ang punda.

15. Magdurugo ang bibig at matatanggal ang ngipin kapag nagmura. Pero nang tanungin kung bakit hindi nagdurugo ang bibig ng matandang kakilala namin na bukambibig na ang put---ina, natutuwa man o naga­galit siya? Ang sagot: Ubos na ang dugo sa kanyang bibig. Naniwala naman ako dahil maitim ang labi niya at bungal siya.

ALAM

BAWAL

BIGLA

DADAMI

DAPAT

KAPAG

MAGIGING

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with