^

Punto Mo

Silang Matatapang Manghusga…

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NAKUHANAN ng video ang isang pari habang pinapahiya nito ang 17 taong gulang na dalagang ina na noon ay nagpapabinyag ng kanyang anak. Sa diya­lektong Cebuano, sinabihan ni Obach ang naturang ina na nakahihiya ang ginawa nitong pakikipagtalik sa isang lalaking hindi naman niya asawa. Tinanong pa ng pari ang ina kung hindi ba ito nahihiyang lumapit sa simbahan at pabinyagan ang anak na wala namang ama. 

Naganap ang insidente noong Hulyo 6 sa Sacred Heart Chapel sa Jagobiao, Mandaue City. Lola ng bininyagang sanggol ang kumuha ng video at inilagay sa Facebook account. Simula noon, kumalat na ito sa iba’t ibang media sites na umani ng awa sa dalaga at galit sa pari.

Bunga nito, ang pari ay nag-public apology sa pamamagitan ng liham. Nag-react dito ang dalaga at tahasang sinabi sa pari—Personal mo po akong pinahiya kaya karapat-dapat lang na personal ka rin pong humingi ng tawad sa akin.

May katwiran ang dalaga. Di ba’t naka-microphone pa ang pari sa harap ng altar nang pahiyain siya kaya dapat ay ganoon din ang sitwasyon sa paghingi niya ng public apology. May microphone, sa harap ng altar bago magmisa sa araw ng Linggo para puno ng tao ang simbahan. “Live” siyang namahiya, kaya “live” rin siyang mag-sorry. Kung gustong mangibabaw ang tama — walang pari-pari, walang makasalanan, basta’t “fair” lang ang laban.

Naalaala ko tuloy ang isang pangyayari na sinugod ng biyenang lalaki ang kanyang manugang na babae sa bahay nito dahil lang sa isang walang kato­tohanang sumbong. Kung anu-anong masasakit na salita ang natanggap ng manugang. The nerve, na sugurin ng biyenang ito ang manugang samantalang may ginawa siyang isang malaking kasalanan sa kanyang anak at manugang mga ilang taon na ang nakaraan. Nang humupa na ang usok, napag-alaman na walang katotohanan ang nakarating na sumbong sa magaling na biyenan at wala talagang dapat ikagalit sa manugang. Humingi ito ng tawad sa pamamagitan ng sulat. Hindi iyon tinanggap ng manugang. Katwiran nito: Kasing tapang niya si Bonifacio nang sugurin niya ako dito sa aking pamamahay, sana ay ganoon din siya katapang sa paghingi ng tawad  sa harapan ko.

Bakit may mga taong ang bilis manghusga, manumbat, manugod pero kapag hingian na ng kapatawaran, bumabahag ang mga buntot?

BAKIT

BONIFACIO

BUNGA

CEBUANO

FACEBOOK

HULYO

MANDAUE CITY

PARI

SACRED HEART CHAPEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with