^

Punto Mo

Anomalya sa LTFRB

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

DAPAT magpaliwanag sa publiko si LTFRB chairman Winston Ginez at DOTC secretary  Joseph Abaya  kaugnay sa kampanya ng gobyerno laban sa kolorum.

Sa nakalap kong dokumento, ang implementasyon ng kampanya laban sa kolorum ay Hunyo 19, 2014 kung saan magpapataw ng P1 milyong multa sa mga kolorum na bus gayundin sa iba pang sasakyan.

Nakakapagtaka na kung Hunyo 19 ang implementasyon, bakit Hunyo 17 ay agad lumagda  ng kautusan ang LTFRB na suspendido ang panghuhuli sa mga kolorum ng truck. Binigyan nila ng 120 days na palugit upang maayos ang papeles.

Sinamantala naman ng truck operators na makapagbiyahe kahit kolorum dahilan upang lumabas ang mga ito at lumikha ng trapik.

Batay sa aking nakalap na rationalization program ng LTFRB­ ito ay katumbas ng gagawing legal ang mga kolorum na bus. Kung mabibigyan ng bagong prankisa ang mga kolorum na bus, aabot sa mahigit sa 3,000 units. Tiyak titindi ang problema sa trapiko lalo sa Metro Manila.

Pinapayagan din ng LTFRB na makapasok ang provincial buses sa Metro Manila na ipinanukalang itigil para mabawasan ang sasakyan sa EDSA. Kapag itinuloy ang rationalization program matindi ang pagsisikip ng trapiko sa MM.

Sa ngayon, matrapik dahil maraming paghuhukay sa kalsada at paglilinis sa estero at lumala dahil sa pagpayag ng LTFRB  na makabiyahe ang mga kolorum na truck.

Matinding problema ang dadanasin ngayon ng MMDA kung paano masosolusyunan ang trapiko sa Metro pinalala ng LTFRB.

Paimbestigahan ni P-Noy ang LTFRB kung bakit ang mga bagong patakaran nila ay lilikha lamang ng problema at apek­tado ang buong Metro Manila at iba pang lungsod at bayan.

BATAY

BINIGYAN

HUNYO

JOSEPH ABAYA

KOLORUM

LTFRB

METRO MANILA

WINSTON GINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with