Bakit tumataba?
NARITO ang ilang dahilan kung bakit nadadagdagan ang timbang na hindi namamalayan:
Kung depressed at umiinom ng mga anti-depressant drugs. Mga 5 hanggang 15 lbs. ang madadagdag at sa pagdaan ng taon ay mas madaragdagan pa ito. Kung walang iniinom na anti-depressants, maging ang pakiramdam ng labis na depression, o kahit simpleng stress ay nakakataba. Ang ilang depressed ay nagiging emotional eaters, mas maraming high-fat at high-calorie food ang kinakain.
Mali ang mga gamot na iniinom. Maraming gamot ang nakakapagpataba. Nariyan ang birth control pills, gamot para sa hormone therapy, steroids, gamot sa sakit sa puso, alta presyon, arthritis at sakit ng ulo. May mga gamot na malaki ang dulot sa gana sa pagkain, ang iba naman ay affected ang metabolismo.
Kung hindi maganda ang pagdumi. Dapat isa hanggang dalawang dudumi. Kapag hindi ka regular na dumudumi, maaaring kulang sa tubig at kulang sa fiber.
Kulang sa sustansya ang katawan. Kapag mababa ang lebel ng Vitamin D, Magnesium o Iron sa dugo, maaaring humina ang immune system at bumagal ang metabolismo. Kumain ng red meat, spinach at almonds.
Tumatanda. Dala ng pag-edad ang pagbagal ng metabolismo. Kaya habang nagkakaedad dapat mas dumadalas ang pag-eehersisyo at bumababa ang dami ng kinakain. Ang pagkain ng lean proteins ay makakatulong sa pagtutunaw nang maraming calories.
Ang carbohydrates naman ay mas matagal malusaw ng katawan pero mas madaling iimbak sa katawan bilang stored energy. Damihan ang mga low-fat na protina at kaunting carbs.
- Latest