^

Punto Mo

Uok (183)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

GULAT na gulat sina Drew at Tiyo Iluminado nang makita ang nangyari sa mga Uokcoco na nasa container.

“Naubos ang mga bunot, Tiyo Iluminado!”

“Oo nga. Simot na simot ang mga bunot.’’

“Ibig sabihin, ang pagkain nila ay mga bunot ng niyog. Dito sila nabubuhay.’’

“Oo nga, Drew.’’

“Solb na ang ating problema. Maaari na tayong magparami ng mga Uokcoco.”

“At wala tayong problema sa mga bunot na kakainin nila, Drew. Napakaraming bunot ng niyog. Problema ko nga kung saan itatapon. Hindi ko naman masunog dahil bawal na raw.’’

“Wala na nga tayong problema, Tiyo. Ang pag-aaralan na lang natin ay kung paano sila dadami.”

“Paano nga Drew?”

“Aalamin ko kung ano ang lalaki at babae.”

“Paano mo malalaman”?”

“Tiyak na may pagkakaiba ang lalaki at babae. Maaaring mahaba ang sungot ng lalaki kaysa babae. Maaa-ring may guhit sa tiyan ang babae. Iisa-isahin ko yan Tiyo. Kapag nalaman ko, tiyak na makapagpaparami tayo.’’

“E di tulungan na kita sa pagbusisi sa mga Uokcoco. Para madali nating makita ang lalaki at babae.’’

“Sige, Tiyo.’’

Kinuha ni Drew ang mga Uokcoco sa container at inilagay sa isang malinis na mesa.

Tiningnan nila isa-isa  ang mga Uokcoco.

“Eto, ang palatandaan, Drew,” sabi ni Tiyo Iluminado habang hawak ang Uokcoco. “May puti na stripe sa tiyan. Tingnan mo, Drew.”

Tiningnan ni Drew.

“Oo nga.”

“At itong isa naman ay orange ang guhit. Tingnan mo.’’

Tiningnan ni Drew.

“Alin kaya rito ang babae at lalaki?”

Nag-isip si Drew.

“Baka itong orange ang lalaki, Tiyo.’’

Dinampot ni Drew ang Uokcoco at sinuri-suri.

(Itutuloy)

DREW

OO

PAANO

TINGNAN

TININGNAN

TIYO

TIYO ILUMINADO

UOKCOCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with