^

Punto Mo

Nasira dahil sa drug diagram

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NANANAWAGAN kay PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima ang mahigit 33 pulis na isinangkot ng nasirang Chief Insp. Elmer Santiago sa drug diagram niya na ibalik na sila sa dating puwesto nila. Matapos kasing ma-ambush si Santiago sa Mandaluyong City noong Abril 6, ang mga pulis na binanggit niya sa drug diagram ay inilagay sa floating status. Ang desisyon ni Purisima ay upang hindi makakilos ang mga naturang pulis para ma-whitewash ang kasong hinaharap nila dahil sa drug diagram ni Santiago nga. Handa namang humarap sa imbestigasyon ang mga naturang pulis, subalit lampas dalawang buwan na ay hindi pa sila ipinatatawag ng Task Force Santiago o maging ng NBI na nagsasagawa ng parallel investigation sa kaso ni Santiago. Sa totoo lang, maging ang Task Force Santiago na pinamumunuan ni Sr. Supt. Wilson Caubat ay wala ding positive development sa kaso. Sinabi ni Caubat, na iimbestigahan lang nila ang drug diagram matapos matukoy ng Task Force ang mga personalidad na pumaslang kay Santiago. Eh, paano kung aabutin ng ilang taon at hindi pa rin matiyak ng Task Force kung sino ang suspect sa pagpaslang kay Santiago? Ibig bang sabihin noon eh ganun din kahaba ang pagiging floating status nila? Hehehe! Ano ba ‘yan?

Sa totoo lang, dismayado na itong mga nasangkot na pulis dahil sa nasira na nga ang pangalan                 nila e, nawalan pa sila ng trabaho. Karamihan kasi sa mga pulis sa drug diagram ay taga-PNPA Class ‘96 kung saan miyembro rin si Santiago. Marami sa kanila ang nasa magandang puwesto na subalit nang mabulgar ang drug diagram, napunta sila sa kangkungan. Eh, pinaghirapan din nilang marating ang mga puwesto nila at sa isang iglap ay mawawala lang. Di naman parehas ito, di ba mga kosa? Mismo!

Habang nasa floating status ang mga pulis, hindi lang sarili nila ang nagsa-suffer kundi maging ang kanilang pamilya, lalo na ang kabataan na biktima ng tampulan ng tukso sa eskuwela. Hamakin n’yo na pagbintangan ang mga ama nila na sangkot sa droga? Sa mga asawa, kaya nilang dalhin ‘yun dahil sa may sapat na kaisipan na sila para ipaliwanag ang isyu. Subalit paano ang mga bata? At paano malilinis ng mga sangkot na pulis ang kanilang pangalan kung hindi naman sila ipinapatawag ng Task Force Santiago o maging ng NBI? Sinabi ng mga kosa ko na hindi naman dapat tumagal sa floating status ang mga naturang pulis kung wala namang kaso laban sa kanila. Kaya umaapela sila kay Purisima na aksiyunan na ang kahilingan nila na ibalik na sila sa dati nilang puwesto. Hehehe! Tumpak!

Sinabi ng mga kosa ko na ang tinitingnang ugat ng mga kaklase niya sa drug diagram ay ang salitang “inggit.” Hindi naman kaila sa kanila na palaging minamaliit ng asawang si Agnes si Santiago, lalo na sa aspeto ng pag-unlad ng kanilang pamilya. Kadalasan kasi, inihahambing ni Agnes ang kalagayan nila sa buhay sa mga kaklase ni Santiago, na halimbawa ay bago ang mga bahay o di kaya’y ang mga sasakyan. Kaya nagpupursigi si Santiago na humabol para lang ma-appease si Agnes. At kung anu-ano na lang ang pinasok niya. Ganun pa man, nais pa ring tumulong ng mga kaklase niya para malutas ng kaso ni Santiago kahit nasira ang imahe nila dahil sa drug diagram. Abangan!

AGNES

DIAGRAM

DRUG

NILA

PULIS

SANTIAGO

SILA

TASK FORCE SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with