Uok (179)
BIGLANG kinabahan si Drew. Pangitain kaya ang mga itim na uok? May kaugnayan kaya iyon kay Sir Basil alyas ‘Uok’? Sakitin si Sir Basil at baka may nangyari sa kanya. Baka nagka-stroke uli! Tawagan kaya niya si Gab? O kaya’y mismong si Sir Basil ang tawagan niya?
“Anong iniisip mo Drew?†tanong ni Tiyo Iluminado na ikinagulat niya.
“A wala po. May bigla lang akong naisip.â€
“Akala ko’y iniisip mo itong mga itim na uok. Baka tama ka na kaya nagkaroon ng ganito ay dahil sa sinasabi mong klaymeyt…. Ano nga yun?â€
“Climate change po.’’
“Oo yun. Parang tama ka na dahil dun kaya naÂging itim ang mga uok,†sabi at kumuha pa ng mga itim na uok at inilagay sa palad.
“Napansin ko, hindi masÂyadong magalaw o kumiÂkislot ang mga uok na ito kumpara sa mga puti na halos hukayin ang palad ko. Mga mahiyain ang mga uok na ito.’’
“Sa palagay n’yo po suÂmiÂsira rin ng niyog ang mga itim na uok?â€
“Siguro dahil nakita ko rito sa parteng may sira.’’
“Naisip ko po, baka ang mga itim na uok ang panÂlaban sa mga puting uok.’’
Nag-isip si Tiyo Iluminado. Pagkatapos ay tumingin kay Drew. Napatangu-tango.
“Teka Drew, parang tama ka,†sabi nito at dinukot ang itak sa kaluban at tinaga pa ang katawan ng niyog. Hanggang sa lumabas ang ubod. Sira na ang ubod ng niyog. Kinain na rin ng peste. Hinalukay ni Tiyo Iluminado ang pinaka-ubod pa at namangha ito sa nakita sapagkat naroon ang mga puting uok. Parang nagsiksikan sa bahaging iyon ng niyog.
“Narito ang mga pesteng uok! Dito pala nagtatago. Parang natakot!â€
May kumislap sa utak ni Drew.
“Palagay ko tama ang aking theory, Tiyo Iluminado. Ang mga itim na uok ay hindi peste. Sila ang kalaban ng mga puting uok! Tingnan mo po at parang takot na takot na nagsikÂsikan ang mga peste!’’
“Oo nga Drew!â€
Hanggang isang paraan ang naisip ni Drew para mapatunayan ang kanyang teorya.
(Itutuloy)
- Latest