^

Punto Mo

Brazilian, nagparetoke ng mukha para magmukhang K-pop star

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 25-anyos na lalaking Brazilian ang sumailalim sa 10 operasyon upang magmukhang Korean Pop star. Pati kanyang pangalan ay pinalitan upang bumagay sa bagong itsura. Ang kanyang dating pangalan na “Max” ay Xiahn na ngayon.

Bagamat may natural na blond na buhok at kulay asul na mata dahil sa kanyang pagiging Caucasian, hindi nakuntento si Xiahn sa kanyang panlabas na anyo mula nang tumira sa South Korea upang mag-aral.

Ang pagtira sa South Korea ang nagdulot kay Xiahn nang pagkahumaling sa kultura ng mga Koreano. Nahilig siya sa panonood ng mga drama sa telebisyon doon na nagtatampok ng mga sikat na artistang Koreano na kung tawagin ay K-Pop stars. Ang K-pop stars ang naging inspirasyon ni Xiahn sa pagpaparetoke ng mukha.  Gumastos siya nang mahigit $3,000 (P130,000) sa kanyang mga operasyon.

Ngayong tapos na ang mga operasyon ay tanging ang ilong lamang niya ang hindi nagbago sa kanyang mukha. Singkit na ang mga mata niya ngayon na nilalagyan niya ng itim na contact lenses upang maitago ang asul na kulay nito. Kinukulayan niya ng itim ang kanyang blond na buhok upang maging mas kahawig niya ang mga iniidolo niyang K-Pop stars.

Madami ang tumuligsa kay Xiahn sa mga social media sites dahil sa ginawa niyang pagpaparetoke. Hindi naman siya nagpapaapekto sa mga kritisismo dahil naniniwala siyang ang bawat tao ay may karapatang gawin ang anumang ikaliligaya dahil maikli ang panahon natin sa mundo.

Dagdag pa ni Xiahn na bagamat mukha na siyang Ko-reano at plano niyang manirahan nang permamente sa South Korea mananatili pa rin siyang Brazilian sa kanyang puso.

ANG K

BAGAMAT

DAGDAG

K-POP

KANYANG

KOREAN POP

KOREANO

SOUTH KOREA

XIAHN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with