^

Punto Mo

Abad, dapat imbestigahan ng BIR

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NAKATAWAG pansin ang ulat na P8,150 lang ang binayarang buwis ni Budget secretary Butch Abad mula 2006 hanggang 2008.  Tila mahirap itong paniwalaan ng isang pangkaraniwang mamamayan.

Paliwanag ni Abad wala raw siyang trabaho ng mga panahong iyon matapos na magbitiw bilang Education secretary ng Arroyo administration.

Wala ba siyang negosyo? Kung wala, bakit napakayaman niya batay na rin sa kuwento ng kanyang mga kababayan sa Batanes.

May nakausap kasi akong taga-Batanes at itinuturing na ang pamilyang Abad ang pinakamayaman sa kanilang probinsiya at kitang-kita ito sa mala palasyong bahay nila.

Hindi ko naman pinagdududahan si Abad pero ayon mismo sa kanya kayang-kaya niyang ipaliwanag  kung bakit mahigit P8,000 lang ang binayarang buwis.

Mas malaki pa pala ang binayad na buwis ng mga guro at mga pangkaraniwang manggagawa kaysa itinuturing na isa sa pinakamayaman sa Batanes.

Makakabuting imbestigahan ng BIR ang  mga binayarang buwis ni Abad para maalis ang pagdududa ng publiko na mayroon silang kinakampihan. Kailangan dito ay makatotohanang imbestigasyon para naman paniwalaan ng taumbayan.

Kung lilitaw na walang ginawang mali si Abad sa pagbabayad ng buwis, maaalis na ang pagdududa.

Maging halimbawa ang mga matatas na opisyal ng gobyerno lalo na ang Cabinet member sa pagbabayad ng tamang buwis para mahikayat ang lahat na huwag mandaya.

 

ABAD

BATANES

BUTCH ABAD

BUWIS

KAILANGAN

MAKAKABUTING

PALIWANAG

TILA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with