^

Punto Mo

‘Rush judgement’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MAY dinner party si Mrs. Sanchez sa kanilang bahay kaya umaga pa lang ay busy na siya sa pagluluto ng roasted chicken. Kaso nasa kalagitnaan pa lang ng pagluluto ng chicken ay nasira ang kanyang turbo broiler. Inutusan niya ang kanyang anak na manghiram ng turbo sa kanyang kaibigan na si Mrs. Akihiro na nakatira lang sa kabilang kalye. Sumunod naman ang anak sa iniuutos pero isang oras na ay wala pa ito. Sinubukan ni Mrs. Sanchez na tawagan si Mrs. Akihiro pero walang sumasagot sa cellphone. Nagdesisyon na lang siyang pumunta nang personal sa kaibigan.

Habang naglalakad ay naalaala ni Mrs. Sanchez na nagbago na ng ugali si Mrs. Akihiro  simula nang makapag-asawa ito ng Japanese. Hindi na ito ang dating malambing at humble niyang friend. Mayamang Japanese ang napangasawa ng kaibigan kaya nag-feeling somebody na ito.

Baka hindi nito pinahiram ang kanyang anak kaya nagdesisyon  ang kanyang anak na manghiram ng lang ng turbo sa kanyang isang kaibigan na nakatira pa sa kabilang subdivision. Ito siguro ang dahilan kung bakit nagtatagal ang kanyang anak.

Bumalik ang hinanakit ni Mrs.Sanchez kay Mrs. Akihiro. Wala siyang “K” na magdamot dahil noong wala pa itong asawang Japanese at isa lang tourist guide ay madalas itong manghiram sa kanya ng damit kapag may dadaluhan silang party. Ultimong girdle na pangtago ng kanyang malaking bilbil ay sa kanya pa hinihiram. Nagsimula nang uminit ang kanyang ulo. Minsan ay hiniram nito ang kanyang hikaw na gold na may maliliit na diamond dahil may ka-date itong Dutch. Pero minalas, nalaglag ang isang hikaw mula pagkakasabit sa tenga habang nagsusuklay sa hotel na pinuntahan. Hindi na ito nakuha pa. Asar na asar siya noon. Pero wala siyang nagawa kundi magpasensiya dahil wala itong ibabayad sa kanya. Tapos ngayong nanghihiram lang siya ng turbo ay hindi pa mapag­bigyan. Talagang hinahamon siya ng babaeng ito!

Tamang-tama at nasa harapan na siya ng bahay ng kaibigan. Galit na galit siyang kumatok.  Si Mrs. Akihiro ang nagbukas. Lalong nainis si Mrs. Sanchez. Nasa bahay pala, siguro ay sinadyang hindi sagutin ang kanyang tawag kanina. Hindi na niya hinintay na makapagsalita ang kaibigan at sinigawan niya ito: “Madamot kang babae ka! Walang utang na loob!”

Pagtalikod ay humabol sa kanya ang anak bitbit ang turbo. Kaya pala nagtagal ay nalibang ang anak at sandaling naki­paglaro sa anak ni Mrs. Akihiro.

 

ANAK

KANYANG

LANG

MAYAMANG JAPANESE

MRS

MRS. AKIHIRO

MRS. SANCHEZ

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with