^

Punto Mo

Uok (164)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“T INANAW ko ang Ilog Pola. Tahimik na tahimik ang ilog. At kapag tahimik, siguradong malalim iyon. Berdeng-berde ang kulay ng tubig. Naalala ko na madalas kamin­g maligo ng mga pinsan­ ko sa ilog na ito noon. Masarap maligo sapagkat mainit-mainit ang tubig. Galing umano sa isang bundok ang tubig.

“Pero sa pagkakatanaw ko sa ilog, biglang nangilabot ang aking balat at tumayo ang aking balahibo. Hindi ko alam kung bakit. May malamig na hangin na sumampal sa mukha ko. Parang natulala ako nang isang minuto.

“Hanggang sa magbalik ako sa wisyo at pinas­yang umalis sa lugar na iyon. Nagmadali ako sa paglalakad patungo sa terminal ng bus. Kailangang makaalis agad ako rito bago lumubog ang araw.

“Nang makarating ako sa terminal ng bus ay eksaktong paalis na ang bus. Kahit wala nang maupuan ay sumakay pa rin ako. Hindi na baleng naka­tayo basta ma­kaalis lamang. Ayaw kong abutan ng paglubog ng araw.

“Gabi na nang maka­rating ako sa Maynila. Pero kahit nasa May­nila na ako, naaalala ko pa rin ang ginawang pagtataksil kay Renato. Nakatarak sa konsensiya ko ang nagawang kasalanan. Naaalala ko pa ang itsura ni Renato habang nakatingin sa amin ni Luningning. Walang imik. Malungkot ang mga mata. Para bang tinatanong niya sa akin na ‘ba’t ko nagawa sa kanya iyon?’ Hanggang sa bigla siyang umalis. Mabilis na nawala. Saan kaya siya nagtungo makaraang masak­sihan ang aming kataksilan ni Luningning.

“Lumipas ang isang buwan. Hindi ako mapakali sa Maynila. Hanggang sa ipasya kong lihim na bu­malik sa probinsiya.

“At nalaman ko, patay na si Renato. Nalunod daw sa Ilog Pola!”

(Itutuloy)

 

AKO

AYAW

HANGGANG

ILOG POLA

LUNINGNING

MAYNILA

PERO

RENATO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with