^

Punto Mo

Lagot ka Frenz!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

ANG nagkalat na shabu ang dapat sisihin ng communist leaders couple na sina Benito at Wilma Tiamzon kung bakit sila naaresto ng mga otoridad sa Cebu kamakailan. Sinabi ng mga kosa ko na paikot-ikot lang sa 1st District ng Cebu ang mga Tiamzon’s, kasama ang staff nila, subalit hindi sila napapansin. Kaya lang nang lumipat na sila sa bayan ng San Fernando, nagduda ang mga kapitbahay nila dahil si Wilma lang ang lumalabas ng bahay para mag-ehersisyo, samantalang si Benito at ang mga kasamahan ay nagkukulong lang sa loob ng bahay nila. Kahit ikinakalat pa ng tropa ni Tiamzon na sangkot sila sa paggawa ng mga sirang gadgets bilang depensa sa sobrang dami ng computers, hindi naniniwala ang mga kapitbahay nila. Sa gabi lang kasi lumalabas ng bahay si Benito, pati staff nila, kaya nagduda ang mga kapitbahay na sangkot sila sa paggawa ng shabu. Kaya tumawag sila sa mga otoridad at naaresto nga ang mag-asawa at iba pang kasama nila. Kaya sa ngayon, ang tipster ay yumaman dahil sa P5.6 milyon na reward sa ulo ng mag-asawang Tiamzon. Hehehe! Parang tumama sa mini-lotto ang tipster, di ba mga kosa? Mismo!

Ang itinuturo ng mga kosa ko na nasa likod nang pagpalaganap ng shabu sa 1st District ng Cebu ay si alyas Frenz. Alam ng pulisya at pulitiko ang lakad ni Frenz subalit ewan kung bakit bulag, pipi at bingi sila sa ilegal na gawain nito. Magkano....este anong dahilan kaya? Kung sabagay, kalat na sa 1st District ng Cebu na ang lahat ng headquarters ng pulisya na madadaanan ng negosyo ni Frenz ay nasa payola niya. ‘Yan siguro ang dahilan kung bakit hindi matinag-tinag ang drug syndicate ni Frenz, di ba mga kosa? Tiyak yun! Paging PDEA at AIDSOTF, paki arok nga ang drug operation ni Frenz bago pa ito lumala. Hehehe! Bilang na ang araw nitong si Frenz at mga kaalyado niyang pulitiko at pulis, di ba mga kosa?

Sino ba si Frenz? Sinabi ng taga-San Fernando na dating wala rin si Frenz at katunayan naging miyembro ito ng isang criminal gang na nakabase sa Mindanao. Subalit dahil putok na ang grupo nila, minabuti ng lider ng grupo na pauwiin na lang sa Cebu si Frenz para lumawak din ang negosyo nilang shabu. Kaya sa ngayon, mala-palasyo na ang tahanan ni Frenz sa 1st District ng Cebu at ang mga sasakyan niya ay bullet-proof na rin. Na-monitor pa ng mga kosa ko na kahit ordinaryong pulis ay puwedeng pumunta sa bahay niya at presto...paldo na ang mga ito sa kanilang paglisan. Mababa raw ang P10,000, ayon pa sa mga kosa ko. Sa ngayon, sino pa ang mangangahas na isuplong sa otoridad ang negosyo ni Frenz eh mahihinto ang tulo ng gripo ng mga lokal na pulis at pulitiko? Mismo!

Kapag hindi kumilos ang PDEA at AIDSOTF sa drug syndicate ni Frenz, baka maunahan sila ng mga hitman ng CPP/NPA, di ba mga kosa? Kasi nga kung hindi dahil sa laganap na bentahan ng shabu sa 1st District ng Cebu hindi sana natunugan ang Tiamzon couple. Lagot ka Frenz! Abangan!

vuukle comment

BENITO

CEBU

FRENZ

HEHEHE

KAYA

KOSA

SAN FERNANDO

SILA

TIAMZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with