^

Punto Mo

Lalaki sa India, adik sa pagkain ng adobe

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa India ang naging laman ng balita doon dahil sa pagka-adik sa pagkain ng adobe.

Siya ay si Pakkirappa Hunagundi, 30, isang construction worker. Si Pakkirappa ay sinasabing may kondisyon sa pag-iisip na nagtutulak dito upang kumain ng mga bagay na hindi dapat kainin gaya ng adobe.

Ayon sa kanya, 10 taong gulang siya nang mahilig sa pagkain ng adobe. Bukod sa adobe ay kumakain din siya ng graba na matatagpuan sa mga lugar kung saan siya nagtatrabaho.

Ngayon ay 20 taon na ang nakalilipas mula nang una siyang kumain ng adobe. Sa loob ng panahong iyon, kumakain siya ng tatlong kilong adobe araw-araw.

Sa pagka-adik ni Pakkirappa sa adobe, hindi niya raw ito ipagpapalit sa ibang pagkain. Kahit pa raw bigyan siya ng manok ay adobe pa rin ang pipiliin niyang kainin. Nakaugalian na raw niya ang pagkain nito araw-araw kaya hindi na niya kayang pigilan ang sarili.

Pica ang tawag sa sakit ni Pakkirappa at ang mga mayroon nito ay nahuhumaling sa pagkain ng mga bagay na hindi dapat kainin at walang nutrisyon.

Sa kabila ng pagkain niya ng adobe ay wala naman daw nagi­ging problema sa kalusugan si Pakkirappa. Buo pa rin daw ang kanyang mga ngipin na kayang-kaya pa ring kumagat ng mga adobe kahit gaano pa katigas ang mga ito. Sa kabila nito ay tutol na tutol pa rin ang kanyang ina sa kanyang ginagawa.

Gusto naman niyang pagkakitaan ang kanyang kakaibang hilig sa pagkain. Dinadayo na kasi siya ng mga tao upang makita ang pagkain niya ng adobe matapos kumalat ang kanyang kakaibang kuwento. Dahil dito, pinaplano niyang libutin ang buong India upang ipamalas sa lahat ang kanyang ‘talento’ sa pagkain ng adobe.

 

ADOBE

AYON

BUKOD

PAGKAIN

PAKKIRAPPA

PAKKIRAPPA HUNAGUNDI

SI PAKKIRAPPA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with