^

Punto Mo

EDITORYAL - Ba’t pumayag agad ang DepEd sa tuition hike?

Pang-masa

SA halip na pag-aralang mabuti at timbangin muna ang petisyon ng private schools ukol sa pagtataas ng tuition fees, ura-uradang inaprubahan ito ng Department of Education (DepEd). Kaya ang resulta, hilong-talilong ang mga magulang na may pinaaaral sa private schools --- mapa-elementarya at high school. Maraming magulang ang naghahanap na ng mauutangan para may maipang-tuition sa kanilang mga anak. Kailangang maigapang ang mga anak sa pag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Ayon sa DepEd, inaprubahan na nila ang petisyon ng 244 private schools na makapagtaas ng tuition fee na ang pinakamarami ay nasa Metro Manila. Umabot sa 172 private schools sa Metro Manila ang inaprubahang makapagtaas ng eight percent. Sa Region 2 ay 9.55 percent at sa Region 4B naman ay 5.80 percent.

Ayon pa rin sa DepEd, ang pagtataas ng matrikula ay para maitaas ang suweldo ng mga guro at ma-improve ang pasilidad ng mga eskuwelahan.

Pero hindi lamang pala ang mga pribadong school sa elementarya at sekondarya ang magtataas kundi pati na rin ang mga pribadong kolehiyo at unibersidad. Ayon sa Commission on Higher Education (CHEd), posibleng magtaas ng matrikula ang may 353 pribadong unibersidad at kolehiyo. Nagsumite na umano ng petisyon ang mga pribadong unibersidad at kolehiyo sa CHEd at maaaring mapagbigyan ang kanilang kahilingan. Ang dahilan ng pagtataas ay para umano sa suweldo ng mga guro at empleado ng school ay para rin sa pag-i-improve ng pasilidad.

Ang tanong ay magkaroon naman kaya ng kalidad ang edukasyon na ipagkakaloob sa mga estudyante o dati pa rin na walang natutuhan. Maraming private school na wala ni isa mang board passers. Halimbawa ay ang ilang nursing schools na patuloy na tumatanggap ng mga estudyante pero wala ni isa mang nakakapasa o kulelat.

Sana, pinag-isipan muna nang DepEd at CHEd ang pag-aapruba sa tuition hike. Hindi sana sila nagpadalus-dalos sa pagpapasya dahil mga magulang ang lubos na kawawa rito.

 

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

HALIMBAWA

HIGHER EDUCATION

KAILANGANG

KAYA

MARAMING

METRO MANILA

SA REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with