^

Punto Mo

Babaing walang binti, nakalangoy nang magsuot ng buntot ng sirena

- Arnel Medina - Pang-masa

SI Nadya Vassey, 50, ng New Zealand ay ipinanganak na may kondisyon kaya hindi na-develop ang kanyang mga binti. Kinaila­ngang putulin ang kanyang binti sanhi ng kondisyon kaya hindi na siya nakapaglakad kailanman. Dahil sa pagkaputol ng mga binti, kinailangan niyang magsuot ng artipisyal na binti (prostethics) kapag nasa labas ng bahay.

Minsang namamasyal si Nadya, kinailangan niyang alisin ang kanyang mga prosthetics. Habang inaalis ang mga ito, isang apat na taong batang lalaki ang lumapit sa kanya at nagtanong kung bakit nagsusuot siya ng mga artipisyal na binti.

Pabirong ipinaliwanag ni Nadya sa bata na siya’y isang sirena kaya wala siyang mga binti at ito ang dahilan kung bakit kailangan niyang gumamit ng mga prosthetics. Namangha naman ang bata sa sagot ni Nadya at masaya itong bumalik sa kanyang mga magulang.

Bagamat biro lamang ang kanyang paliwanag, sa pakikipag-usap na iyon nagsimula ang pagkahumaling ni Nadya sa pagkakaroon ng mga mala-sirenang buntot na makakapagbigay kakayahan sa kanya na gawin ang isang bagay na hindi na niya nagawa mula nang putulin ang kanyang mga binti – ang paglangoy.

Nagbakasakali si Nadya na hu­mingi ng tulong sa Weta Workshop, isang kompanya sa New Zealand na gumagawa ng mga costume at prosthetics na ginamit sa mga sikat na mga pelikula sa Hollywood katulad ng ‘Lord of the Rings’ at ‘King Kong’. Sinulatan niya ang kompanya na kung puwede ay igawa siya ng buntot ng sirena na makakapagbigay sa kanya ng kakayahan na lumangoy.

Dahil ang sinulatan niya ay isang malaking kompanya na kasama sa paggawa ng mga pinakamalalaking pelikula sa buong mundo, hindi inasahan ni Nadya na sasagutin nito ang kanyang hiling. Kaya nagulat niya nang ginawan siya ng Weta ng prosthetic na buntot ng sirena na hindi lang pang-costume kundi panglangoy din.

Eksakto sa katawan ni Nadya ang buntot na aakalaing sa sirena talaga dahil sa makatotohanang mga kaliskis at palikpik nito. Hindi lang sa itsura makakatotohanan ang buntot dahil kapag suot ito ni Nadya ay nagagawa niya ring lumangoy na parang totoong sirena.

Ngayon ay parati nang lumalangoy si Nadya sa tulong ng buntot. Tuwang-tuwa naman ang Weta na natupad nila ang pangarap ng isa sa kanilang mga kababayan.

vuukle comment

BINTI

DAHIL

KANYANG

KING KONG

LORD OF THE RINGS

NADYA

NEW ZEALAND

WETA WORKSHOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with