Calories
DAHIL sa kagustuhan nating pumayat, iniisip natin na calories ang dapat iwasan. Ang hindi natin alam, hindi lamang sa calories nakabase ang pagbaba ng ating timbang. Hindi lang pagbaba ng calories at pag-eehersisyo ang susi sa pagbaba ng timbang. May tinatawag na starvation mode at ito ay nangyayari kapag ang katawan ay hindi nakakatanggap ng sapat na enerhiya o calories. Masama iyon.
Mahalaga ring tandaan na tayo ay magkakaiba hindi lamang sa hitsura kundi pati sa ating kaloob-looban. Iba-iba tayo ng mga katawan at sistema at hindi pare-pareho ang mga kahingian ng katawan at kasanayan nito pagdating sa pagdidiyeta at calories na ating kinakain. Importanteng kilalanin mo ang katawan mong maigi at pakiramdaman kung saang mga pagkain at diyeta ito hiyang.
Ano ang dapat gawin kung hindi pala mainam ang pagbibilang ng calories?
1. Ang hormones ay malaki ang ginagampanan sa ating gutom. Ito ang responsable para makaramdam tayo ng pagkagutom at kabusugan. Ito rin ang nagpapataas ng ating enerhiya o nagpapabagsak ng katawan. Hormones ang responsable sa ating mga mood, pagtulog at moÂtivation. Sa madaling salita, ang hormones ang nagdidikta sa ating utak kung ano ang nangyayari sa ating katawan.
Kung ikaw ay nagugutom o naglalaway para sa matamis, iyon ay senyales ng nangyayari sa iyong hormones. Mahalagang pakinggan ang iyong katawan. Dahil kahit kaya mong magbawas ng timbang sa pagkain ng 1200 calories lamang kada araw, kung hindi naman balanse at stable ang iyong katawan at hormones, hindi mo mami-maintain ang iyong eating habits at ang ganoong dami ng calories lang. Ang ending mo magiging yoyo ka. Akyat-baba ang timbang. Payat-taba-payat-taba ka.
2. Para mabalanse ang iyong hormones, kumain ng lean protein, maraming gulay at prutas na hindi mayaman sa sugar. Kilala ang mga pagkaing ito para hindi ka masyado madalas gutumin, hindi masÂyado maglaway at mas stable ang energy. Kapag ganito ang nararamdaman mo, generally mas kaunti talaga kakainin mo nang walang masyadong effort ng hindi kailangang bilangin ang calories ng bawat isusubo mo.
3. Rumelax ka lang. Huwag masyadong magbilang. Makinig ka sa katawan mo. Kumain ng kahit ano basta sa tingin mo ay tama ang dami at sukat. Tumigil kapag nakaÂramdam na ng kabusugan.
- Latest