^

Punto Mo

No visa policy ng US, di totoo

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

NOONG nakaraang linggo pumutok ang balita hinggil sa no visa policy ng US para sa mga Pilipino. Nabasa ko ito sa adobochronicles.com. Sinasaad ng artikulo na ang pasyang ito umano ng US ay bunsod ng positibong resulta sa isang pag-aaral o survey kung saan nangunguna ang mga Pilipino sa mga tumatangkilik at humahanga sa US.. At bilang pabuya umano ng US sa mga Pinoy na labis ang suporta at bilib sa kanilang bayan, tatanggalin na nila ang US visa.

Ikinagulat ko ang balitang ito. Bagsak na ba ang ekonomiya ng US kaya binuksan na ang floodgates para sa mga Pinoy na nangangarap makapamuhay sa US? Para hindi na dumami pa ang mga tago nang tago (TNT). Sa kabilang banda naman, nanghinayang ako kung totoo dahil kaka-apply ko lang ng visa para kay Gummy. Gumastos din kasi ako.

Mabuti na lamang at hindi ito totoo. Too good to be true, actually. Isa sa pinakamahigpit na bansa ang US, sa pagkakaalam ko. At para tanggalin nila ang US visa requirement lalo na para sa mga mamamayang mula sa third world country na notorious sa pag-TNT, parang suntok sa buwan yata.

Kung sino man ang nagpasimula ng balitang ito ay magaling. Nagulantang ang buong mundo sa kanyang pinasabog. Idinugtong pa na may kinalaman ito sa pagbisita ni President Barack Obama upang talakayin ang mga isyung may kinalaman sa larangan ng pulitika at seguridad ng bansa, kalakalan at pagpapalawak ng investments, turismo at pagpapaigting pa lalo ng samahan sa pagitan ng dalawang bansa.

Subalit isa sa mga pangunahing pag-uusapan ay ang pagpirma sa Enhance Defense Cooperation Agreement sa pagitan natin at ng Amerika na magbibigay pahintulot sa pagpasok ng US Forces sa ating teritoryo.

Malaking bagay ang pagbisita ni Obama sa bansa. Ang kanyang pagpunta sa Pilipinas ay inilabas matapos lumabas ang resulta ng isang survey kung saan ang mga Pilipino ang may pinakamataas na pagtingin sa US na mataas pa sa pagtingin ng mga Amerikano.

Tama lamang na bigyan ng pansin ng US ang Pilipinas dahil sa malaking bilang ng mga Pilipinong naninirahan, nagtatrabaho at nagpapataas ng kanilang GDP. Nasa mahigit dalawang milyong Pilipino ang nasa US at libo naman ang bumibisita roon bilang mga turista. Nararapat magsuportahan ang Pilipinas at US.

 

AMERIKA

AMERIKANO

BAGSAK

ENHANCE DEFENSE COOPERATION AGREEMENT

GUMASTOS

PILIPINAS

PILIPINO

PINOY

PRESIDENT BARACK OBAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with