100 Amazing Secrets (8)
71. Kailangan mo ng AA battery ngunit ang available lang ay AAA battery. Maikli ang AAA kumpara sa AA. Paano ito re-remedyuhan? Kumuha ng foil. Gusutin at bilugin ito. Ang ginusot na foil ang ipandugtong sa maikling battery sa may “+†end para magkasya ito sa battery cell--kung saan ibinabaon ang battery.
72. Huwag itapon ang nagamit na foil. Hugasan ito at patuyuin. Itago for future use. Kapag nagtutong ang kaldero, ang ipangkuskos sa tutong ay ang aluminunm foil na ginusot at ginawang bola. Sa kalderong bakal lang at aluminum ito gagamitin at hindi sa Teflon.
73. Puwedeng hasaan ng gunting ang aluminum foil. Maggupit lang nang maggupit ng aluminum foil hanggang sa tumalas ang talim ng gunting. Mga lumang aluminum ang gamitin.
74. Paano linisin ang microwave oven: Ihanda ang tubig + one-fourth teaspoon baking soda+ juice ng isang pirasong kalamansi. Ilagay sa bowl na angkop paglutuan sa microwave. Cook for 1 to 2 minutes. Hayaang nasa loob ng oven ang bowl na may water mixture ng 20 minutes. Tanggalin ang bowl. Punasan ng malinis na cotton cloth ang loob ng oven.
75. Para manatiling makintab ang stainless steel kitchen sink, punasan ito ng tuyong tuwalya tuwing matatapos sa pagÂhuhugas ng pinggan. Gamitin ang luma at hindi na ginagamit. Kaya huwag magtatapon ng lumang tuwalya. Muling punasan ang lababo gamit ang diyaryo. Ang tinta ng diyaryo ang magpapakintab ng lababo na parang bago.
76. Mahirap magpainom ng gamot sa mga toddlers? Bakit hindi ito ihalo sa ice cream or anumang paborito nilang kainin.
77. May party sa bahay at kailangan magpalamig ng softdrinks, beer, at juice pero hindi kasya sa refrigerator. Punuin ng yelo ang washing machine at dito palamigin ang mga inumin.
78. Ibabad sa suka ang kinakalawang na pako at screw hanggang sa matanggal ang kalawang.
79. Homemade Air Freshener Spray: Ihalo ang 2 cups hot water sa 1/8 cup baking soda + 1/2 cup lemon juice. Isalin sa spray bottle. Kalugin hanggang matunaw. Ito ang gamitin tuwing mangangailangan ka ng air freshener.
80. Paano linisin ang kutson? Tanggalin ang bedsheet. Budburan ng baking soda powder ang ibabaw ng kutson. Hayaang nakababad ito sa kutson ng apat na oras. Mas matagal mas mainam. Saka i-vacuum. (Itutuloy)
- Latest