^

Punto Mo

Lotto winner, isapubliko

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

PANAHON na upang isa­publiko kung sino ba ang nananalo sa lotto para maalis na ang pagdududa ng publiko. Ako mismo ay hindi 100 per cent  na kumbinsido sa lotto results lalo na sa mga jackpot na umaabot sa P200 million.

Hindi tulad sa US at iba pang bansa na kapag may nanalo sa lotto, isinasapubliko agad. Kabaliktaran dito sa Pilipinas na inililihim at ang PCSO official lang ang nag-aanunsiyo kung tagasa­ang lugar.

Malay ba natin kung imbento lang ito o ghost winner dahil uso sa Pilipinas and ghost employees, ghost projects at iba pang ghost na naililinya sa katiwalian.

Ayon kay PCSO general manager Ferdinand Rojas, hindi raw aplikable sa Pilipinas na ilantad sa publiko ang nanalo sa lotto dahil dudumugin ng mga manghihingi ng balato at baka pag-interesan ng mga kriminal.

Hindi dapat problemahin ng PCSO kung dagsain man ng hihingi ng balato ang winner dahil diskresyon na niya ito kung nais magbigay ng balato o magtago.

Kung sa seguridad naman, kaya na nitong i-manage ng nanalo lalo pa’t marami nang pera. Kaya na niyang kumuha ng bodyguards. Kung ilalantad ang winner, mawawala ang pagdududa ng publiko na nagkakadayaan sa lotto.

Akin lang nililinaw na hindi ko sinisiraan ang PCSO, tinalakay ko ito dahil pinag-usapan na ito sa internet at marami na ang nagpahayag ng pagdududa sa resulta ng lotto. Pinag-uusapan dito kung meron ba talagang nananalo?

Nagtataka lang ako kung bakit umaayaw ang mga opisyal ng PCSO sa panukalang isapubliko ang lotto winners samantalang kung malalaman ng lahat na may totoong nanalo, baka mas tumaas pa ang benta dahil maraming tataya. Mas makakabuti kung isasapubliko ang nanalo sa lotto para mabigyan ng proteksiyon ang publiko.

AYON

FERDINAND ROJAS

KABALIKTARAN

KAYA

KUNG

LOTTO

NAGTATAKA

PILIPINAS

PINAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with