^

Punto Mo

Payo para lumakas at may energy

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

LAHAT tayo ay gustong magkaroon ng dagdag lakas at energy para sa ating mga gawain. Heto ang tips para makakuha ng lakas. Alamin natin ito:

1. Kumain ng almusal na may protina at carbohydrates  Ang carbohydrates ay mula sa tinapay, kanin, at gulay. Hindi ito sapat para mapalakas ka. Kailangan may protina rin tulad ng gatas, tapa, bangus o scrambled eggs. Dahil dito, hindi magandang almusal ang donut, muffin, chocolate cake o ensaymada lamang.

2. Kumain ng katamtamang tanghalian. Ang almusal ay napakahalaga. Pero pagdating sa tanghalian ay huwag din sosobra ang kakainin at baka antukin ka. Kung napadami ang kain, maglakad-lakad muna.

3. Mag-ehersisyo ng bahagya. Ang paglalakad ng mabilis ay magandang ehersisyo. Pampagising ito dahil gaganda ang daloy ng dugo sa iyong utak. Ugaliing mag-ehersisyo.

4. Paisa-isa lang ang trabaho. Huwag gumawa ng 3 bagay na sabay-sabay. Mauubusan ka ng lakas at pasensiya. Planuhin ang araw mo.

5. Pumili ng positibong kaibigan. May mga taong maganda ang personalidad at nagbibigay sa atin ng energy. Umiwas sa mga taong depressed, galit sa mundo at laging problemado.

6. Subukang isara ang telebisyon at buksan ang libro. May mga pagkakataon na ang telebisyon ay nagpapatamad sa atin. Kung gustong maglibang, magbasa ng libro. Mas nagbibigay ng energy ang pagbabasa ng libro dahil gumagana ang ating imahinasyon.

7. Pakinggan ang iyong katawan. Napakahalagang payo po ito. May mga cycle (circadian rhythms) ang ating katawan. May oras na malakas tayo at may oras na mahina tayo. Minsan ay masayahin tayo at minsan ay malungkot naman. Normal lang iyan. Kung pagod ka ay magpahinga na. Huwag nang pilitin ang katawan.

8. Uminom ng multivitamins. Para sa taong nagdidiyeta o hindi kumpleto ang pagkain, makatutulong ang pag-inom ng vitamins. Minsan ay kulang tayo sa prutas at gulay. Mapupunuan ng multivitamins ang kakulangan ng diyeta natin.

9. Ihinto ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Panandalian lang ang sarap na dinudulot ng paninigarilyo. Sa bandang huli ay talo ka pa rin dahil masisira ang iyong baga. Kapag nangyari ito, mahihirapan kang kumuha ng oxygen sa katawan. Ang alak naman ay nakababawas din ng energy. May hang-over ka pa.

10. Magsabi ng “Hindi.” Ang mga Pinoy ay nahihiyang tumanggi sa kaibigan. Dahil dito, madalas tayong inaabuso. Kahit hindi na kaya ng ating oras, pondo at katawan ay papayag pa rin tayo sa pinapakiusap sa atin. Mali po ito. Mapupuno ka lang ng gawain at masisira lang ang iyong trabaho. Kapag busy ka, magsabi ng “Hindi na po kaya. Sorry po.”

 

ALAMIN

DAHIL

HETO

HUWAG

IHINTO

KAPAG

KUMAIN

MINSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with