Love… paki-explain lang
1. Ang tatlong bagay na hindi puwedeng balewalain ng ating utak ay: pagkain, panganib at libog.
2. Kapag ikaw ang laging nauunang mag-text sa isang tao, mga 90 percent ang tsansa na hindi siya interesado sa iyo.
3. Ang gusto ng mga babae ay light kissing lang pero mas type ng lalaki ang torrid.
4. Mga 17 months at 26 days ang kailangan upang makalimutan ang dating karelasyon.
5. Sa mga sinaunang Griyego at Native Americans, ang same sex relationship ay itinuturing nilang sagrado.
6. Epektibong paawa ng babae sa lalaki: Mas magmumukhang helpless si Babae kung itataas niya nang bahagya ang kanyang baba, tapos nakababa ang kanyang tingin. Mag-praktis sa harap ng mirror.
7. Mga lalaki…piliing mabuti ang gagamiting pabango. Sa mga babae, mas malakas ang impluwensiya kung gaano kabango ang lalaki kaysa kung gaano siya kaguwapo.
8. Ayon sa British study, mas maraming nakaka-sex partners ang mga creative people kaysa non-creative.
9. “You really love him, right?â€
Wala akong pangalang binanggit pero iisang tao ang nasa isip mo. Ito ang halimbawa ng isang typical psychological reaction.
10. Kung ang isang babae ay “attractiveâ€, ang tendency ng kanyang kapwa babae ay husgahan siya nang hindi maganda dahil sa inggit.
11. Ngunit kung sa pangkalahatan, ang tendency ng mga tao ay husgahan ng positibo ang taong magaganda.
12. Ayon sa couple therapist, malayo sa isa’t isa ang mag-asawang hindi nag-aaway. Wala silang pinagtatalunan dahil hindi nila masyadong kilala ang isa’t isa.
13. Kung ang lalaking ka-date mo sa unang pagkakataon ay pasimpleng nag-inat na parang binabanat ang kanyang mga muscles pagkakita sa iyo at inayos nito ang posture pagtayo niya, senyales iyon na attracted siya sa iyo. (May karugtong)
- Latest