EDITORYAL - Puksain na ang Sayyaf!
NOON pa problema ng gobyerno ang bandidong Abu Sayyaf. At hanggang ngayon, problema pa rin sila. Patuloy ang kanilang pangingidnap at saka ipatutubos. Noong Miyerkules, mayroon na naman silang dinukot --- isang Pinay worker sa diving resort at isang turistang Chinese. Nangyari ang pangingidnap sa Sabah. Dinala umano ang mga kinidnap sa Tawi-tawi. Hinahanap pa ang anim na Abu Sayyaf.
Iisa ang paraan para matigil na ang pangingidnap ng Sayyaf – ubusin na sila! Kung hindi sila uubusin, maaari uli silang magbuo ng panibagong grupo at walang katapusan ang problema. Malaking problema hindi lamang sa industriya ng turismo kundi maging sa seguridad ang idinudulot ng mga kidnaper. Marami ang matatakot magtungo sa bansa dahil matatakot na makidnap. Kaysa makidnap sila rito, sa ibang bansa na lamang tutungo na ang kaligtasan ay nakasisiguro. Babagsak ang turismo kapag hindi pa pinagsikapan ng pamahalaan na maubos ang mga kidnaper. Ang nakakahiya pa, dumarayo pa sa ibang bansa ang mga kidnaper at pagkaraang maisagawa ang pagdukot ay saka dadalhin sa bansa ang biktima. Nagkakaroon tuloy nang masamang impresyon na ang Pilipinas ay lugar ng mga kidnaper.
Ang Pinay na dinukot ay nakilalang si Marcelita Dayawan, 40, receptionist ng Sengamata Reef Resort sa Semporma. Hindi naman sinabi ang pangalan ng babaing Chinese na kasamang dinukot. Umano’y anim na Sayyaf na armado ng mga baril at nakasakay sa bangkang de-motor ang sumalakay sa resort.
Sanay na sa pangingidnap ang Sayyaf. Nagkamal na sila nang maraming pera dahil sa dami ng kinidnap. Ang nakapanghihilakbot kapag hindi naibigay ang ransom money, pinapatay nila ang kinidnap. Isa sa mga pinatay na turista ang Amerikanong si Guillermo Sobero na dinukot noong 2001 sa Dos Palmas, Palawan. Kasamang dinukot ang mag-asawang Martin at Gracia Burnham.
“Kamay na bakal†na ang gamitin sa Sayyaf. Durugin na sila para matapos na ang problema. Walang ibang solusyon sa grupong ito kundi maigting na opensiba.
- Latest