^

Punto Mo

Uok (111)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“S ABI sa akin ni Mahinhin, mas maganda raw kung may piring ako. Payag daw ba ako kung piringan niya. Sabi ko’y kung yun ang gusto niya e di gawin niya. Sunud-sunuran ako sa kanya. Kung yun ang makapagpapaligaya sa kanya e okey lang.

“Kumuha si Mahinhin ng panyo at piniringan ako. Kakapa-kapa ako. Siyempre nanibago ako dahil pawang dilim ang nakikita ko. Pagkatapos ay inihiga niya ako sa kama. Inalalayan ako. Inilatag niya ang katawan ko sa kama at saka niya ginawa ang gusto niya sa akin. Siya lahat ang gumawa. Wala siyang kapaguran. Unang pagkakataon na naka-encounter ako ng ganoong babae. Hindi ko na maaaring idetalye at medyo censored na, Drew. Pero talagang kakaibang babae si Mahinhin…’’

“Naiimadyin ko po naman Sir Basil. Palagay ko nga po ay may kakaibang abnormalities si Mahinhin. Mas gusto niya ay yung sinasaktan muna o kaya ay kung anu-anong paraphernalias ang gagamitin para maging masaya ang kanyang pakikipagtalik. Mayroon po talagang ganyang babae.’’

“Pero bakit sunud-sunuran ako, Drew. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya at alam mo, nagugustuhan ko ang ginagawa niya. Enjoy na rin ako sa pamamaraan niya…’’

“Nang matapos po ang ginagawa niya o ginawa ninyo, anong sunod na ginawa sa’yo ni Mahinhin?’’

“Pagkatapos niyon ay binuksan niya ang ilaw at dahan-dahang inalis ang piring­ sa mata ko. Parang mahihilo ako. At nagtaka ako dahil nakabihis na siya. Binihisan niya ako. Para akong hari na pinagssilbihan. Pagkatapos ay pinagluto ako ng pagkain. Masarap palang magluto. Marami siyang nakaistak na pagkain. Halos subuan ako. Masayang-masaya si Mahinhin…”

“Pagkatapos po ay anong nangyari?”

“Nagpaalam na ako nang gagabi na. Pero nakiusap siya na huwag muna. Sabi ko hihintayin ako sa bahay. Kailan daw ako babalik? Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung babalik ako roon…”

(Itutuloy)

 

vuukle comment

AKO

BINIHISAN

HINAYAAN

MAHINHIN

NIYA

PAGKATAPOS

PERO

SABI

SIR BASIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with