^

Punto Mo

‘Trapiko’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MALAKING hamon ngayon ang lalo pang pagsikip ng makikitid na lansangan.

Kasabay ng pagkasa ng konstruksyon ng Skyway Project Stage 3, ramdam na ang paghigpit ng trapiko.

Nauna ng sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino na posibleng abutin ng buong araw ang mga motorista dahil magiging paralisado na ang mga sasakyan na dadaan sa Edsa.

Naiintindihan ng taumbayan ang ganitong mga proyekto pero dapat nagkaroon muna nang mahaba-habang paghahanda.

Dapat mayroong partisipasyon ang iba’t ibang sektor, pribado man o pampubliko, mga industriya at tanggapan na maaapektuhan ng proyekto.

Anuman ang kanilang magiging suhestyon at solusyon, titingnan at pag-aaralan ng pamahalaan.

Sa madaling sabi, mayroong sistema at kooperasyon. Hindi ‘yung nasa gobyerno lang lahat ang desisyon.

Maliban dito, dapat ipatupad din ang carpooling. Lahat ng mga sasakyang may sakay na dalawa, tatlong pasahero pataas, bigyan ng insentibo.

Gumawa ng sarili nilang daanan o carpool lane nang sa gayon, hindi sila nakikipaggitgitan sa mga sasakyan.

Sinuman ang papasok na mag-isa lang sa sasakyan, pagbabayarin at hindi padadaanin.

Iba pa rito ang reward at incentive na ibibigay sa mga gigising at aalis nang maaga sa kanilang mga bahay patungo sa kanilang mga pinagta-trabahuhan.

Harangin na rin dapat ang mga provincial bus na pumapasok sa EDSA na nagpapasikip lang sa lansangan.

Sila ang dahilan kung bakit hindi kumikilos ang mga sasakyan at nagiging malaking parking lot ang buong EDSA.

Kapag ang trapiko naging balakid na, apektado ang lahat ng sektor ng bansa.

Maraming paraan kung papaanong sosolusyunan ang problema dapat lang mayroon itong plano at mahabang pag­hahanda.

 

ANUMAN

DAPAT

EDSA

GUMAWA

HARANGIN

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

SKYWAY PROJECT STAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with