‘Ambag para sa pagyabong ng bayan’
ANG Pilipino sa oras na kailangan tumayo upang ipakita ang ating pagkakaisa asahan mong babangon ito para ipamalas sa buong mundo ang kakaibang katangian natin bilang nagkakaisa sa ilalim ng isang bansa.
Bilang ganti sa ating mga kababayan meron mga korporasyon o ahensya na ang adhikain ay makatulong sa ating bayan sa pamamagitan ng iba’t-ibang proyekto.
Tulad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na aktibong tumutulong sa gobyerno sa ‘nation-building’ nito.
Nung nakaraang taon, pinagtibay ng ahensya ang kanilang papel na ginagampanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng P21.20 bilyong kita nito sa kaban ng bayan at iba pang pagpapaunlad ng kabuhayan.
Iniulat ni PAGCOR Chairman at CEO Cristino Naguiat, Jr. na ang kanilang kabuuang kontribusyon sa nation-building ay higit pa sa kalahati ng P40.52 billion gross income nung 2013.
“Ang aming naiambag noong nakaraang taon ay mas mataas sa pamamagitan ng halos P242 milyon kumpara sa P20.96 bilyon binigay namin sa pamahalaan at sa iba pa nung 2012. Ito ang pinakamataas na naitala ng PAGCOR para sa nation-building sa nakalipas na 28 taon na pag-iral nito,†paliwanag ni Naguiat.
Dagdag pa ni Naguiat kaya pang pataasin ng korporasyon ang kontribusyon nito sa gobyerno sa pamamagitan ng matalinong paggamit ng mga pinagkukunan.
“Nagawa namin bawasan ang aming aktwal na mga gastusin sa mga pagpapatakbo (operating expenses o OPEX) sa pamamagitan ng halos P1 bilyon nung 2013 kumpara sa mga nakaraang taon. Sa pamamagitan ng patuloy na tamang paggastos, nagawa namin mag-ambag ng higit pa sa nation-building nung nakaraang taon sa kabila ng mahigpit na kumpetisyon sa gaming industry,†wika ni Naguiat.
Ang pinakamalaking parte ng kontribusyon ng PAGCOR nung 2013 ay napunta sa National Treasury (P13.10 billion) na kumakatawan sa 50% na bahagi ng mandato ng pamahalaan mula sa kita ng ahensya.
Ang halaga ay mas mataas ng P49.65 milyon kumpara sa 2012 governÂment share na P13.052 bilyonÂ.
Bukod pa dito, ang ahensya ay nagpadala ng P5.98 bilyon sa iba’t-ibang mga ‘mandated recipients’ nung 2013, ito ay tumaas ng P330 milyon kumpara sa taong 2012.
Isa pa sa parte ng naiambag ng PAGCOR sa nation-building ang P2.33 bilyon na ibinigay nito bilang direct assistance para sa socio-civic projects.
Ang malaking bahagi nito ay napunta sa “Matuwid na Daan sa Silid-Aralan†na isang programa ng korporasyon.
Ayon pa kay Naguiat, sa lahat ng adbokasiya ng ahensya nangunguna dito ang pagtulong nila sa Department of Education (DepEd) na makapagpagawa ng karagdagang mga disenteng pampaaralang pasilidad para sa mga kabataang Pilipino.
“Sa ngayon, kami ay naglaan na ng P5 bilyon para sa pagpapatayo ng mga school buildings sa buong bansa. Sa halagang ito, ang P2 bilyon ay inilaan lamang namin sa pagpapatayong muli ng mga paaralan sa rehiyon ng Visayas kung saan lubusang napinsala ng malakas na bagyong Yolanda,†paliwanag ni Naguiat.
Ang masinop na paggamit ng mga pondo ng PAGCOR upang bumuo ng isang malaking ‘net income’ na umabot sa P3.09 bilyon nung 2013.
Nilagpasan nito ang net income na target ng ahensya na P141 milÂyon (4.79%). Ito rin ay mas malaki kumÂpara sa P293 milyon (10.48%) kesa sa P2.8 bilyong net income nung 2012.
Ang PAGCOR din ay nagpapadala ng ‘cash dividends’ sa pamahalaan. Maaalalang nung 2012 ang ahensya ay nagbigay ng P1 bilyong cash dividends sa National TreasuryÂ.
At nung 2013 naman ay nakapagÂremit ito ng P1.4 bilyon at magiging P1.5 bilyon naman ito ngayong taon.
Iniulat din ni Naguiat na ang P27.58 bilyon mula sa kita ng korporasyon na P40.52 bilyon nung 2013 ay nagmula sa mga gaming operations ng ahensya.
Samantalang ang P11.92 bilyon naman ay mula sa iba pang kaugnay na serbisyo ng PAGCOR tulad ng license fee na nakolekta mula sa mga franchisees.
Kumita rin ang ahensya ng P1.01 bilyon mula sa iba’t-ibang mapagkukunan ng pondo tulad ng entertainment income, hotel operations, interests, foreign exchange, at iba pa.
“Inaasahan namin na patuloy ang PAGCOR sa magandang paggawa ngayong 2014. Alam namin na ito ay hindi madali sapagkat ang kumpetisyon ay lalong humihigpit. Ngunit tulad ng palagi kong sinasabi sa aking mga empleyado, lagi natin paghusayan ang lahat ng ating ginagawa ng sa gayun ay aanihin natin ang bunga ng ating paghihirap,†sabi ni Naguiat.
(KINALAP NI CARLA CALWIT) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor City State Centre bldg. #709 Shaw Blvd., Brgy. Oranbo, Pasig. Magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 / 7104038.
- Latest