^

Punto Mo

Uok (60)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NATUTUWA si Drew at madali niyang nakakasundo si Sir Basil. Gustong makipagkuwentuhan sa kanya. Pinababalik siya para magkuwentuhan daw sila. Pakiramdam ni Drew, maraming sasabihin sa kanya si Sir Basil. Siguro’y ikukumpisal ang mga nagawa noong kabataan niya na maraming “Eba” ang pinakialaman. Kanina, sinabing marami raw siyang kasalanan. Siguro’y ang pagsira niya sa pagsasama ng mag-asawa noon ang kanyang mabigat na kasalanan. Sabi nga ni Tiyo Iluminado, lahat daw ng may-asawang babae sa kanilang barangay ay “tinikman” ni “Uok” na ang tunay palang pangalan ay si Sir Basil. Puntirya ni “Uok” ang mga asawa ng nagsa-saudi. Sabi ni Tiyo Iluminado, talaga raw magaling mambola ng babaing may-asawa si “Uok”.

Minsan, tinawagan ni Drew si Tiyo Iluminado. Gusto niyang kumustahin ito at pati na rin si Tiya Encarnacion.

“Kumusta po Tiyo?” tanong niya.

“Mabuti naman, Drew. Mabuti at natawag ka.’’
“Nangugumusta lang po.’’

“Kumusta ang daddy mo Drew?”

“Okey naman po. Wala namang problema. Siyanga po pala, nakausap ko na si ‘Uok’.’’

“Talaga. Ang husay mo naman, pati si ‘Uok’ nakilala mo na rin.’’

“Basil po ang pangalan niya. Mabait naman po.’’

“Bait-baitan lang siguro yun. Walanghiya yun at malibog pa sa kuneho.”

“Nagka-stroke po siya.’’

“Siningil na siguro sa kasalanan.’’

“Tingin ko e nagsisi na po.’’

“Huli na ang pagsisisi niya.’’

“Palagay ko po marami siyang ikukuwento sa akin. Pinababalik ako sa kanila.’’

“Sige sabihin mo na lang sa akin ang ikukuwento ni ‘Uok’. Gusto kong malaman kung bakit gusto niyang manira ng tahanan.’’

“Opo.”

Natapos ang usapan nila.

MAKALIPAS ang isang linggo, dumalaw si Drew kina Gab. Nasa kuwarto si Sir Basil. Natutulog daw.

“Marami kayong napagkuwentuhan ni Daddy, Drew?’’

“Kaunti lang. Tungkol lang sa kuwintas mo.’’

“Yung tungkol sa second wife niya, ikinuwento?”

“Hindi. Wala siyang kinuwento.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

DREW

KUMUSTA

PINABABALIK

SABI

SIGURO

SIR BASIL

TIYA ENCARNACION

TIYO ILUMINADO

UOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with