^

Punto Mo

Gustong maligo ni Acorda subalit ayaw mabasa

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAGING paksa ng usap-usapan sa ngayon ng gambling lords at iba pang ilegalista sa lahat ng sulok ng Metro Manila si Sr. Supt. Benjamin Acorda, hepe ng intelligence ng NCRPO. Ayon sa gambling lords at ilegalista, si Acorda ay “gustong maligo, subalit ayaw mabasa.” Ang ibig sabihin nito, ayon sa mga kosa ko,  itong si Acorda ay pilit na inilalayo ang bulsa sa illegal gambling at iba pang mga ilegal subalit kabaliktaran pala ang ginagawa. Kung anu-ano na kasing gimik ang ikinakalat ni Acorda subalit wa-epek na ito sa gambling lords at ilegalista dahil bistado na siya. At nitong nagdaang mga araw nga, ang bukambibig ni Acorda ay ipaaresto niya si SPO1 Jose Bernardino Jr, alyas Jun Bernardino, na umiikot sa ngayon sa mga ilegal sa lahat ng sulok ng Metro Manila para ikolekta ng tara si NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria. Kung totoo ang plano nitong si Acorda, hindi na n’ya dapat gamitin ang bibig n’ya kundi ang tsapa n’ya para masawata  si Bernardino sa pagdungi s ng pangalan ni Valmoria, di ba mga kosa? Ang dapat gawin ni Acorda, ay puntahan mismo si Bernardino sa Task Force Tugis sa Camp Crame at presto....dampot na siya. At paano niya maaresto si Bernardino e nagyayabang ito na bagyo kay PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima? Hehehe! Nananaginip lang ‘ata si Acorda, ‘no mga kosa? Mismo!

Sinabi ng mga kosa ko na noong panahon ni Dir. Marcelo Garbo sa NCRPO, nag-utos itong ipa-ambush si Bernardino dahil ginagamit ang pangalan niya sa weekly tong collection. Nagkaroon din ng extortion case si Bernardino at ilang mga tauhan sa reklamo ng mga Koreano. Subalit kahit si Garbo ay Chief Directorial Staff na ng PNP sa ngayon, may nagawa ba siya laban kay Bernardino? Wala! E kung si Garbo nga na matawag na isa sa mga “magan” ng PNP ay hindi umubra, si Acorda pa kaya? Hehehe! Untouchable talaga si Bernardino, ‘no mga kosa?

Kahit may utos siyang arestuhin si Bernardino, ito ay nagre-remit naman pala kay Acorda ng weekly collection ng mga tauhan n’ya, ayon sa mga kosa ko sa NCRPO. Anila, si Capt. Domingo ang tumatanggap kay Bernardino ng weekly tong ng mga lords at ilegalista para kay Acorda. Hehehe! Malayo nga ang bulsa ni Acorda sa mga ilegal sa Metro Manila, no mga kosa? Pero si Capt. Domingo ay kinasuhan na noon ni Chief Supt. Rolando Asuncion ng robbery-extortion at kidnapping subalit bakit nanatili pa sa intelligence division ng NCRPO? Dapat na-dismiss na si Domingo dahil sa kaso n’ya o kaya’y pinahinga na sa kangkungan. Mukhang malakas din ang kapit ni Domingo ah, di ba mga kosa? Mismo!

Sa pagkaalam ko, pinaairal pa ni Valmoria ang “no take” policy ni Interior Sec. Mar Roxas sa illegal gambling at iba pang ilegal. Subalit kung nakuha ni Valmoria na itapon sa NPD sina Maj. Jay Agcaoile at Capt. Arnold Acosta dahil sa tsismis na nag-iikot sila sa mga ilegal sa Metro Manila, kailangan ikumpas din niya ang kamay na bakal n’ya laban kina Acorda, Bernardino at Domingo para hindi siya maakusahan na may kinikilingan. At maniniwala ako na seryoso si Valmoria sa “no take” policy n’ya kung mapapahinto niya ang sakla-patay operation nina Lucy Santos at alyas Poleng sa Caloocan City. Teka nga pala, sino si Teddy Sapitula? Abangan!

 

vuukle comment

ACORDA

BERNARDINO

CAPT

DOMINGO

HEHEHE

KOSA

METRO MANILA

VALMORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with