^

Punto Mo

Sigang ‘poste’ sa lansangan

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI na bago ang mga insidente ng pangongotong at iba’t ibang raket sa lansangan.

Nagkalat ang mga tiwaling law enforcer, unipormado at hindi, partikular sa Kamaynilaan.

Nagkukubli sa mga gilid-gilid at madidilim na bahagi ng kalsada.

Tumi-tiyempo sa mga motoristang mahuhulog sa BITAG ng kanilang kalokohan para gatasan sa pamamagitan ng mali-mali at imbentong violation o bintang.

Pero sa Mandaluyong City, lantaran at garapalan ang pango­ngotong ng mga naghahari-hariang “poste” sa lansangan.

Sila ang mga hindi unipormadong tauhan ng lokal na pamahalaan na nakatalaga sa anti-smoke belching unit.

Pakitang-tao silang nakahambalang sa gitna ng lansangan habang tirik ang araw. Pero ang puntirya, mga AUV express van at sasabihing smoke belcher ang sasakyan.

Ang siste, pabababain nila ang drayber at sila raw ang mismong tatapak sa selinyador para mapatunayang itim nga ang ibinubugang usok.

Nitong mga nakaraang araw, isa sa mga nakursunadahan ng mga kenkoy na enforcer ang 2013 model na pampasaherong van.

Nakipagmatigasan ang dryaber at sinabing bago lang ang sasakyan. Nang hindi siya bumaba ng sasakyan, mabilis pa sa alas-kwatro, kinumpiska agad ang kanyang lisensya.

Kung tutuusin, maraming smoke belcher na mga bus at iba pang pampublikong sasakyan, hindi ninyo naman hinuhuli.

Kayong mga nakatalaga sa anti-smoke belching unit ng mga lokal na pamahalaan, siguraduhin ninyo na hindi pangongotong ang mga pinaggagagawa ninyo.

Tiyakin ninyong hindi kayo pera-pera lang dahil kapag makarating ang sumbong sa amin, yari kayo sa BITAG!

KAMAYNILAAN

KAYONG

MANDALUYONG CITY

NAGKALAT

NAGKUKUBLI

NAKIPAGMATIGASAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with