^

Punto Mo

Life hacks

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Next time na magalit ka, tandaan mo na mas mabilis umaksiyon ang bibig kaysa utak kaya huminga muna ng malalim bago magbitaw ng salita sa kaaway mo.

Kung ikaw ay kagaya ng maraming Pilipina na ang kulay ng balat ay morena at nagsisikap magpaputi sa pamamagitan beauty products and technology, iwasang kumain ng karne at dairy products. Ang mga nabanggit ay nagpapadami ng production ng melanin sa katawan na sanhi ng pagiging darker ng ating balat. Gulay na lang at prutas ang kainin, nagpapakinis pa ng balat.

Kapag tinawagan ka sa cell phone ng taong hindi mo type kausapin, sa umpisa pa lang ng conversation ay ipaalala mo na low batt na ang telepono mo at malapit na itong mamatay. Para anytime ay puwede mong patayan siya ng cell phone.

Ayon sa mga researchers, ang palagiang pagkain ng pakwan ay nakakapagpaligaya. Ang mga taong nakakaranas ng matinding kalungkutan at depresyon ay kulang sa Vitamin B6. Ang pakwan ay mayaman sa Vitamin B6.

Kapag bagong pasok ka pa lang sa isang kompanya, pagtatanungin mo ang iyong officemates kung ilang taon silang nagtatrabaho doon. Kung pulos maiikling panahon lang ang kanilang itinatagal pero matagal nang nakatayo ang kompanya, iyon ay “red flag” na hindi maganda ang pagpapatakbo ng management.

Huwag ilagay ang kamatis sa refrigerator. Mababawasan ito ng flavor at aroma. Ilagay ito sa room temperature.

Ang mamahaling alak ay kakaunti lang ang “congeners”. Ito ang chemical na responsable sa hangover. Mas mahal ang alak, mas maliit ang tsansa na mag-hangover.

 

LIFE HACKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with