EDITORYAL - Wala na nga bang lakas ang BIFF?
ITINAAS na ang bandera sa isang nakubkob na kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Ganta, Shariff Saydona Mustapha sa MaÂguindanao noong Sabado. Sabi ng military, wala na raw kapabilidad ang BIFF na magsagawa ng pagsalakay sa Central Mindanao. Halos lahat daw ng kampo ng mga rebeldeng pinamumunuan ni Ameril Umra Kato ay kanila nang nakubkob. Noong Linggo, sinabi ng military na itinigil na nila ang opensiba sa mga rebelde. Nabawasan na raw ang lakas ng mga rebelde at wala nang banta nang mga pagsalakay.
Subalit ang nakapagtataka ay kung bakit walang maipresentang matataas na commander ng BIFF ang military. Kung talagang “pilay†na ang BIFF, nasaan na ang pinuno nitong si Kato. Mula nang magsagawa ng pagsalakay ang BIFF sa Maguindanao noong nakaraÂang linggo, walang makitang anino ni Kato. Maski ang tagapagsalita ng BIFF ay hindi rin makita. Nasa 50 rebelde umano ang napatay sa may isang linggong bakbakan. Kasama sa mga napatay ay ang mga bata na ni-recruit ng BIFF para makipaglaban. Nakakuha ang mga sundalo ng picture ng mga batang may hawak na baril.
Mas magkakaroon ng katotohanan ang claim ng military na “pilay†na ang BIFF kung mahuhuli ang matataas na pinuno ng rebeldeng grupo. Hangga’t walang naipakikitang lider ng BIFF, ang pag-aalinÂlangan sa katahimikan sa maraming panig ng MinÂdanao ay laging mangingibabaw. Tiyak na sasalakay sina Kato at maaaring mas matindi pa. Noong Sabado, isang bomba ang sumabog sa tabing kalsada. MaÂraming nasugatan kasama ang mga miyembro ng media. Ang BIFF umano ang nagtanim ng bomba.
Hindi sana itinigil ang opensiba sa BIFF hangga’t hindi nila nadadakip ang mga nagpasimula ng kaÂguluhan. Kung nasa kamay ang “utak†ng panggugulo, maaaring wala nang magtatangka pa.
- Latest