^

Punto Mo

‘Picture, picture, umpisa na’

- Tony Calvento - Pang-masa

MULA nauso ang teknolohiya ng internet, facebook at Instagram naging uso na sa atin ang hulihin ang sandali at panatilihin ito sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan at paglalathala nito sa ating facebook account o instagram.

At san man tayo magpunta sa Pilipinas napakaraming mga tanawin, bagay at maski na pagkain ang maari nating pitikan ng litrato para mabalik-balikan ang magandang alaala ng sandaling iyon. Ito ang dahilan kung bakit ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay naglunsad ng 2nd National Photography Competition. At ngayon malugod nilang binabalita na handa na silang tumanggap  ng mga litrato mula sa mga baguhan at propesyunal na litratista. Ang PAGCOR ay magbibigay ng pansin sa mga natatanging kulturang  Pilipino, paraan ng pamumuhay ng mga Pinoy at mga tanawin na makikita at mararanasan lamang dito sa ating bansa.

Ayon kay Maricar Bautista ang Assistant VP para sa Corporate Communications ng PAGCOR, “naghahanap kami ng mga litratong nakapagbibigay inspirasyon at natatangi na nagpapakita ng kakayahan at kultura natin o mga magagandang tanawing tunay na ating maipagmamalaki sa iba”.

Ang paligsahan ay may dalawang kategorya, una ay ang ‘Conventional category’ kung saan ang mga larawan ay kuha mula sa ‘conventional’ o ‘compact’ na kamera. Upang mas maging kawili-wili at nakagagana ang 2014 edition ipinakilala ng ahensya ang ikalawang kategorya na ‘Mobile category’ kung saan maaring gumamit at magpadala ng mga litrato ang kalahok gamit ang iba’t-ibang applications mula sa mga mobile devices tulad ng smartphones at tablets. Ang huling pasahan ng mga entries ay sa ika-9 ng Mayo, 2014. P75,000 cash ang maiuuwi ng mananalo bawat isa sa 12 grand winners sa Conventional category at P30,000 cash naman bawat isa sa 12 grand winners mula sa Mobile category.

Ang mga grand finalists naman ay tatanggap bawat isa ng P20,000 cash sa Conventional category at P5,000 cash naman bawat isa sa Mobile category. Ang mga mananalong litrato sa 2nd PAGCOR National Photography Competition ay isasama sa kalendaryo sa taong 2015 ng ahensya at gagamitin sa iba’t-ibang communication at promotional collaterals. Tulad ng unang photo contest ng PAGCOR ang pasahan ng mga litrato ay via online gamit ang opisyal na website ng ahensya na www.pagcor.ph.

“Naglagay kami ng online registration mechanism upang mapabilis ang pagsusumite ng mga larawan. Sa ganitong paraan ang mga litratista mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao ay madaling makapagpapadala ng kanilang entries gamit ang e-mail,” paliwanag ni Bautista.

Nagpasya ang PAGCOR na muling magsagawa ng photo contest bilang pagtugon sa kahilingan at kagustuhan ng mga litratista na ang pambansang paligsahan ng mga litrato ay gawing taunang patimpalak. Nasa 6,000 mga propesyunal at baguhang mga photographer sa buong bansa ang nakilahok  nung 2013. Ang lahat ng hukom na inimbitahan ay lubos ang pagkahanga sa kinalabasan at sa kalidad ng mga litratong natanggap ng ahensya.

“Ang unang kontes na aming ginawa ay nagbigay sa amin ng kaliwanagan na maraming ‘gifted photographers’. Masaya kaming malaman na ang paligsahang ito ay nakapagbukas ng mga oportunidad sa nakararami. Ang isang nanalo sa Cebu ay nakapagtayo ng sarili niyang studio gamit ang napanalunang pera. Ang isa naman ay natanggap bilang isang photographer sa cruise ship matapos manalo,” kwento pa ni Bautista. Ang PAGCOR ay nagsasagawa ng mga pambansang paligsahan simula pa nung 2012 alinsunod sa mandato ng ahensya na tumulong sa pagpapa-unlad ng turismo sa ating bansa.

“Ang aming photography contest nung nakaraang taon ay nakatulong sa pagpromote sa mga magagandang lugar sa ating bansa na hindi pa nadidiskubre. Kami ay positibo na muling makakatanggap ang ahensya ng daan-daang mga natatanging litrato sa 2nd National Photography Competition. Hindi na kami makapaghintay na makitang muli ang mga magagandang larawan na ito,” wika pa ni Bautista.

Para sa iba pang mga detalye o impormasyon tungkol sa 2nd National Photography contest ng PAGCOR maaring bisitahin ang opisyal na website ng ahenysa na www.pagcor.ph at sa facebook account na www.facebook.com/pagcor.ph at twitter account na www.twitter.com/pagcorph o  kaya tumawag sa PAGCOR Corporate Communications Department sa 353-8392. (KINALAP NI CARLA CALWIT) 

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. #709 Shaw Blvd., Brgy. Oranbo, Pasig. Magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 / 7104038.

vuukle comment

BAUTISTA

CORPORATE COMMUNICATIONS

CORPORATE COMMUNICATIONS DEPARTMENT

LITRATO

MARICAR BAUTISTA

METRO MANILA

NATIONAL PHOTOGRAPHY COMPETITION

PAGCOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with