^

Punto Mo

2-taong gulang na bata, nahulog mula 10th floor ng building, nasambot ng babae, buhay!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Banat

NOONG 2011, naging instant bayani si Wu Juping, 32, ng China, makaraang iligtas sa tiyak na kamatayan ang 2-taong gulang na batang babae na si Niu Fangyu. Nahulog si Niu mula 10 palapag ng gusali at nang makita ito ni Wu ay mabilis na sinambot ang bata. Nailigtas niya ang bata.

Nangyari ang aksidente nang iwan ng lola ang batang si Niu habang natutulog. Nang magising si Niu, hinanap nito ang kanyang lola subalit wala na sa kanyang tabi. Umiyak si Niu.

Sumampa sa bintana para ting­nan kung nasaan ang kanyang lola subalit pagsampa sa pasamano ay nadulas kaya nag­lambitin ito sa bintana. Walang tigil sa pag-iyak si Niu.

Isang tenant sa 9th floor ang nakakita sa nakalambiting bata at sinikap niyang abutin sa pamamagitan ng pagtuntong sa hagdan subalit huli na. Nakabitaw ang bata at nahulog.

Eksakto naman ang pagdaan ni Wu at nang makitang nahuhulog ang bata ay sinalo niya ng dalawang kamay. Nasambot niya.

Agad dinala sa ospital ang dalawa. Nagkaroon ng injury si Wu sa mga braso subalit minor lamang. Ang bata ay nagkaroon ng kaunting galos sa ulo at leeg.

Pinarangalan si Wu dahil sa ipinamalas na kabayanihan. Binigyan siya ng kanyang kompanyang pinagtatrabahuan, ang Alibaba Group, ng 200,000 yuan ($30,940) bilang pabuya sa ginawang pagliligtas sa bata.

—www.oddee.com—

ALIBABA GROUP

BATA

BINIGYAN

EKSAKTO

ISANG

NAGKAROON

NIU

NIU FANGYU

WU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with