^

Punto Mo

100 Tips: Life, People & Happiness (Round 2)

DIKLAP - Ms. Anne - Banat

56. Iwasang magpadala ng anonymous hate messages sa iyong mga kaaway. Sayang lang ang effort dahil hindi nila alam na galing iyon sa iyo.

57. Kapag nakatitig pa rin sa iyo ang iyong kausap kahit buong husay mong naipaliwanag ang lahat, ibig sabihin noon ay nagtataka ang iyong kausap kung saan mo hinuhugot ang talent mo sa pagsisinungaling.

58.  Huwag balewain ang sinasabi sa iyo ng kausap mong lasing.  Mas madalas, iyon ang totoong nilalaman ng kanyang puso at isipan. Wala lang siyang lakas ng loob na sabihin ito kapag nasa normal condition ang kanyang mood.

59. Kapag may “dirty old man” na lumalandi sa iyo at ikaw ay “daisy” (disisais, disisiyete, disiotso, disinueve) pa lang, sabihin mong “Tatay, hindi po tayo talo.” Diinan mo ang salitang TATAY para magising sa katotohanan.

60. Ayon sa dating specialists, hindi ka “type” ng taong naka-date mo ng first time kung dalawang beses ka nang tumawag o nag-text ngunit hindi siya sumasagot.

61. Ang ugaling hindi magpapatawad ay kahalintulad ng: Uminom ka ng lason pero ang inaasahan mong mamamatay ay ibang tao.

62. Ang pag-inom ng grape juice ay nagpapagaling ng malalang migraine. Authentic grape juice ang pinag-uusapan natin at hindi ‘yung hinaluan lang ng flavor at kulay. Halimbawa ng authentic grape juice ay Welch’s grape juice.

63. Ang palatandaan ng nagtataksil ayon sa psychologist: Kapag biglang nag-ring ang kanyang cell phone habang magkasama silang mag-asawa, ang “taksil” na tao ay tumutungo habang nakikipag-usap sa cell phone.

AYON

DIINAN

HALIMBAWA

HUWAG

IWASANG

KAPAG

SAYANG

TATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with