^

Punto Mo

Mayang (91)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Talagang gagawin ko Mayang dahil sabik na sabik ako sa’yo,’’ sabi ni Jeff at hinalikan sa labi si Mayang. Nagpaubaya si Mayang sa ginagawa ni Jeff. Pareho silang nasabik­ sa isa’t isa dahil sa pitong taon na pagkakahiwalay.

Nang alisin ni Jeff ang labi sa mamasa-masang labi ni Mayang ay hinabol nila pareho ang hininga. Nagkangitian pagkatapos. Nilaru-laro ni Jeff ang hibla ng buhok ni Mayang na nakatakip sa pisngi.

“Ang ganda mo pa rin talaga Mayang!’’

“Bola!’’

“Totoo. Ang itsura mo ngayon ay itsura mo pa rin, seven years ago. Nananatili kang maganda!’’

“Talagang hindi mo ako binobola? Totoo lahat ang sinasabi mo?’’

“Oo. Kaya naman lalo kang napamahal sa akin.’’

“Patunayan mo. Ipakita mo sa gawa.’’

Hindi na sumagot si Jeff at ipinakita sa gawa ang pagmamahal kay Mayang.

Ang mga sumunod na tagpo ay mainit na pagmamahalan ng dalawa. Sinulit ang pitong taon na pagkakahiwalay.

Naging maalab ang pagsasanib ng kanilang mga katawan. Lubhang mainit na ang mga sumunod na tagpo.

Hanggang sa umabot sa sukdulan ang lahat.

Naabot nila pareho ang rurok. Natahimik. Hanggang sa pareho silang dalawin ng antok. Nakatulog sila pareho na may ngiti sa labi. Nakatatak doon ang hindi maipaliwanag na kali­gayahang nadama sa muli nilang pagsasanib.

 

Umaga. Mataas na ang araw nang parehong magising sina Jeff at Mayang.

“Ano ang mga plano mo ngayon, Jeff?’’

“Gaya nang sabi ko sa’yo, babalik ako sa New Zealand para maghain ng resignation. Kukunin ko ang separation pay ko. Kapag nakuha ko, balik na ako rito. Hindi na ako magtatagal pa roon dahil mas mahalaga kayo ni Jeffmari sa akin. Tama na ang pitong taon nating paghihiwalay. Lahat nang mga pagkukulang ay pupunuan ko.’’

Niyakap ni Jeff si Mayang. Naramdaman ni Jeff na tahimik na lumuluha si Mayang.

“Mahal na mahal kita—kayong dalawa ni Jeffmari.’’

“Mahal na mahal din kita Jeff. Sa loob ng pitong taon nating pagkakahiwalay, hindi nagbago ang pagmamahal ko sa’yo. May hinanakit ako pero madali ring nawala—dahil nga mahal kita.’’

Mahigpit silang nagyakap.

(Itutuloy)

MAYANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with