^

Punto Mo

Lampong (487)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

N ANANAGINIP si Jinky habang nasa katindihan ang isinasagawang ritwal ni Dick. Umuungol ito subalit hindi naman nahihirapan. Tulog na tulog ito. Napangiti si Dick. First time na mangyari ito na habang mayroon siyang ginagawang ritwal kay Jinky ay nananaginip naman ito. At lalo pang nagtaka si Dick sapagkat pakiramdam niya ay naging mapusok pa si Jinky. Hindi naman ito ganito kapusok sa mga nakaraang ritwal nila. Nakakapagtaka. Hindi lumalaban si Jinky noon pero ngayon ay kakaiba ang nakita niyang tapang, ha-ha-ha! Kung kailan, mahim­bing na mahimbing ang tulog ay saka naman grabe kung “lumaban’’.

Nag-isip si Dick sa ipinakikita ni Jinky. Hindi kaya epekto ng Uloy nuts kaya ganito “kapusok” at “kainit” si Jinky? Posible iyon dahil napakahilig kumain ni Jinky ng Uloy nuts chilli flavor. Kapag may ginagawa ito sa laptop ay kumakain ng Uloy nuts. Iyon ang laging mini­meryenda. Kung minsan ay nagpapagawa pa siya ng special Uloy coated nuts kahawig ng panutsa. Sa halip na mani ang nakalagay sa matamis ay pawang Uloy nuts. Mas masarap at mas malinamnam.

Napangiti na naman si Dick. Hindi lamang pala sa lalaking may Erectile Dysfunction mahusay ang Uloy nuts kundi maski sa mga kababaihan para lalong mas “ma­pusok” at “mainit” sa panahon ng ritwal.

Ibang klase talaga ang Uloy Nuts na maraming kapakinabangan sa buhay ng tao lalo na sa mga mag-asawa.

Hanggang sa magulat si Dick nang magmulat si Jinky. Nakangiti ito. Para bang nagdaan sa isang mahaba at magandang panaginip.

‘‘Dick ang ganda nang napanaginipan ko. Tayong da­lawa raw ay nagmamahalan at naging mainit ang pag------.’’

Ibinitin nito ang sinasabi. Nakangiti habang nakatingin kay Dick.

‘‘Mainit ang pagsi-sex natin?’’

‘‘Oo. Matindi!’

Nagtawa si Dick.

“Hindi panaginip ‘yun, Jinky. Totoo yun.’’

“Totoo?’’

“Oo. Super-hot ka.’’

Napahagalpak ng tawa si Jinky. Hindi makapaniwala.

‘‘Dahil kaya sa Uloy nuts, Jinky?’’

‘‘Maaari, Dick. Ang lakas kong kumain ng Uloy nuts.’’

‘‘Okey lang sa akin na hot ka. Gusto ko nga yun.’’

Kinurot ni Jinky si Dick.

 

MAKALIPAS ang isang buwan, naduduwal si Jinky. Laging nakasubsob sa lababo.

‘‘Anong nangyayari, Jinky?’’

‘‘Baka buntis ako, Dick.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

DICK

ERECTILE DYSFUNCTION

JINKY

NAKANGITI

NAPANGITI

NUTS

ULOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with