^

Punto Mo

‘Biyakin ang lupa’

- Tony Calvento - Pang-masa

“MATAGAL naming binuno para mabayaran namin ang lahat. Sa wakas magkakaroon na kami ng lupa na tanging amin. Hindi namin akalain na ito pala ang pagmumulan ng isang malaking suliranin,” pahayag ni Nemia.

Nagtungo sa aming tanggapan ang mag-asawang Nemia at Felimon Protacio ukol ito sa lupa na kanilang sinasaka.

Mahigit sa apat na dekada na silang mag-asawa.

Una silang nagkakilala sa isang bakery. Pareho silang trabahante dun. Naging malapit sila sa isa’t-isa at nagkaroon ng relasyon.

Taong 1965, nang magpakasal sila. Sa Tondo, Manila na sila tumira. Makalipas ang tatlong taon nagkaroon sila ng anak.

Taong 1976 ng magdesisyon si Nemia na magtrabaho bilang isang mananahi sa factory. Si Felimon naman ay naging driver ng jeepney.

Minsan ay bumisita sa kanila ang pinsan niyang si Mario Buenaobra.

Inialok nito sa kanya ang kanyang lupain sa Irosin, Sorsogon.

 â€œGusto daw niya ako yung bumili ng lupa niya. Tinanggap ko naman. Ayos naman yung usapan naming dalawa,” pahayag ni Nemia

 Ang lupa ay humigit kumulang sa dalawang hektarya at ito ay isang lupang sakahan. Nagkaroon sila ng Waiver of Rights na naglalaman na ang kalahati ng lupa lamang ang mapupunta sa kanila at ang kalahati naman ay para sa pamilya ni Mario.

Kasama din sa mga papeles na dala ay ang Deed of Absolute Sale ng nasabing lupain.

“May ipon naman kami kahit paano. Tsaka isa lang ang anak namin kaya nakapagbigay kami agad sa kanya,” ani Nemia

Ang kabuuang presyo ng lupa ay Php70,000.00.

Bilang paunang bayad, nagbigay sila ng Php 30,000.00 sa pamilya nito. Napag-alaman nila Nemia na may pagkakautang pa sa bangko si Mario kaya siya na din ang naghulog nito.

Mula nang magkabentahan sila ng taong 1985, siya na ang nagsaka sa nasabing lupa.

Maayos naman umano ang pakikitungo sa kanila ng mga ito. Tuwing anihan si Nemia kung umuwi sa Sorsogon. Uuwi lamang siya matapos niyang magpatanim. May pamangkin siyang nag-aalaga sa kanyang palayan kaya naman hindi siya nag-aalala tuwing babalik sa Maynila.

Makalipas ang ilang taon natapos na nilang mag-asawa ang hinuhulugan sa bangko. Mayroon na rin silang ka­tibayan sa paghuhulog na nakapangalan pa rin kay Mario.

Nabalitaan nilang pumanaw na si Mario at ang mga anak na niya ngayon ang may hawak ng titulo ng lupain. Wala namang problema sa pagitan nila, ang nais lang sana ng mag-asawa ay maisaayos na ang titulo ng lupa.

Nangangamba sila dahil para sa kanila, kulang ang mga dokumentong hawak nila. Nais na kasi nilang ilagay sa kanilang pangalan ang nasabing lupain.

“Matanda na kaming mag-asawa. ayoko na mamroblema pa yung anak ko pagdating ng panahon. Ang tagal na naming sinasaka yung lupa na yun,” pahayag ni Nemia.

Nagtungo na umano sila sa Department of Agrarian Reform (DAR) upang maisangguni ang problemang ito.

Ang sabi lang umano sa kanila ay susuriin pa ang lupa at tatawagan sila para sa resulta.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12pm) ang kwentong ito Nemia.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang pagbabayad nila sa utang ni Mario na nasa pangalan pa din nito ay hindi nila maaring sabihin na sa kanila.

Ipinaliwanag namin na ang ibina­bayad nila ay si Mario pa din dahil sa kanya pa din ito nakapangalan.

SA aming pagsasaliksik ang Waiver­ of Rights na hawak nila ay sapat na upang maipangalan sa kanila ang lupa na matagal na nilang sinasaka kaya hindi na sila dapat pang matakot.

Nagpunta na sila sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) naipaliwanag na nila ang tungkol sa kanilang lupain.

Naipakita na dun nila ang mga dokumentong hawak nila.

 Pinayuhan namin silang hintayin na lamang ang permiso mula sa DAR para maipangalan na sa kanila ang titulo ng isang ektarya ng lupain na kanilang sinasaka.

Kakailanganin nila ng Geodetic Engineer upang sukatin ang lupa at malagyan ng mohon ang lupa at maari na nilang maiusad ang proseso ng paglilipat nito sa kanilang pangalan.

Masaya naman ang mag-asawa na sila’y naliwanagan na ukol sa lupang ito. Naalis na ang kanilang pangamba na hindi na ito magkakaroon ng titulo at nakapangalan sa kanila.

Upang mas magabayan sila Nemia at Felimon binigyan namin sila ng ‘referral’ sa tanggapan ni Prosecutor Romy Galvez ng Department of Justice para sa kanilang kaso. (KINALAP NI DAHLIA SACAPAÑO)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN at para sa inyong problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

KANILA

LUPA

MARIO

NAMAN

NEMIA

NILA

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with