^

Punto Mo

Ang kotong at ang anti-smoke belching operations

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sinuspinde  ni Makati City Mayor Junjun Binay ang ginagawang operasyon  ng Makati Pollution and Control Office (MPCO) may kinalaman sa anti-smoke belching sa lungsod.

Ito’y dahil na rin sa napakaraming sumbong ng extortion.

Maging ang inyong Responde ay nakatanggap na rin ng mga sumbong ukol dito na sinasabing pinagkakakitaan ng ilang tiwaling tauhan ng naturang tanggapan.

 Madalas na ireklamo ay ang operasyon dyan sa ilalim ng tulay  sa Magallanes papuntang Maynila kung galing ka sa Expressway..

Matindi talaga kabi-kabila ang harang ng mga ito halos araw-araw.

Isa pa umano ito sa nagiging sanhi ng matinding trapik sa lugar. Dahil sa masikip na ang daan ay doon pa pinahihinto ng mga naninita ang mga sasakyang kanilang sinisita.

Ayun, base nga sa mga sumbong na dumagsa , bukod sa ginagawa ng ‘gatasan’ ang mga isinasagawang operasyon, inirereklamo rin ng mga motorista ang mga masusungit na enforcers.

Nabatid pang  kapag daw tine-test na ang kanilang mga sasakyan eh talaga namang kontodo tapak ng mga ito sa silinyador na talagang pinagtatagal pa.

May reklamo rin umano ng harassment  at yun nga ang pangongotong.

Nakapagtataka pa umano na mukhang ang tinututukan ng mga ito na parahin ay mga pribadong sasakyan, at yung mga pampubliko na talaga namang kitang-kita ang maitim na usok na lumalabas sa tam­butso ng sasakyan eh hindi yun ang unahing pagpaparahin.

Ok naman ang pro­gramang ito, na tutulong para mabawasan ang matinding polusyon sa Metro Manila, pero baka nga hindi naipapatupad sa tamang paraan kundi nakadagdag pa sa corruption.

Maging sa may C-5 Road natanggap din natin ang sumbong ukol sa mga abusadong enforcers.

vuukle comment

AYUN

DAHIL

ISA

MADALAS

MAKATI CITY MAYOR JUNJUN BINAY

MAKATI POLLUTION AND CONTROL OFFICE

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with