Makamandag na black widow natagpuan sakumpol ng ubas nabinili sa supermarket!
ANO ang gagawin mo kung ang binili mong kumpol ng ubas ay mayroong kasamang makamandag na gagambang black widow? Tiyak, kahit na lalaking ubod ng tapang ay magugulat kapag nakita ang poisonous na black widow. Hindi biro ang hatid na kamandag ng black widow na maÂaaring ikamatay agad-agad nang sinumang makagat nito. Ang kamandag ng black widow ay 15 beses na mabagsik kaysa rattlesnake. Makakaranas ng pananakit ng muscles, mapaparalisa at hindi makakahinga ang nakagat ng black widow.
Kung hindi naging alisto si Yvonne Whalen ng Pennsylvania, maaaring nakagat siya ng black widow habang hinuhugasan ang kumpol ng mga ubas na binili niya sa Giant Food Stores.
Ayon kay Yvonne, huhugasan sana niya ang mga ubas na binili at kukunin sa bag nang mayroon siyang makitang gumagalaw sa kumpol. At nang saliksikin, nakita niya ang black widow na nasa pagitan ng mga ubas. Madali niyang nakilala ang black widow dahil sa pulang hour glass na nasa dibdib nito.
Sa pagkabigla, nabitawan niya ang mga ubas at nagsisigaw. Unang naisip niya ay gamitin ang hose at pasiritan ang gagamba pero hindi niya nagawa dahil sa pagkabigla.
Nakatakas ang black widow at hindi na nakita ni Yvonne.
Ayon sa report, marami nang kaso na ang mga black widow ay nakiki-hitch sa kumpol ng mga prutas at paborito ang ubas. Sa loob umano ng ilang taon ay marami nang kasong ganito subalit wala namang nakakagat.
- Latest