^

Punto Mo

Kurot sa illegal gambling

SUPALPAL - Non Alquitran - Banat

PAKUYA-KUYAKOY lang sa kanyang mala-palasyong bahay sa Jubilation Subd., sa likod ng Pavillion sa Biñan, Laguna ang godfather ng illegal gambling sa Calabarzon area na si Dodjie Lizarda. Hinihintay lang ni Lizarda ang tawag ng mga alipores ni Calabarzon police director Chief Supt. Jesus Gatchalian­ para balik trabaho siya. Hawak kasi ni Lizarda ang national at local na lingguhang intelihensiya ng PRO4A, CIDG Crame, CIDG Calabarzon, CIDG provincial offices, IG, GAB, NBI at iba pang ahensiya ng gobyerno. Subalit nang maupo si Gatchalian, nagtago si Lizarda dahil seryoso ang hepe ng Calabarzon na ipatupad ang “no take” policy ni DILG Sec. Mar Roxas. Subalit nitong nagdaang mga araw, medyo nakalimutan ni Roxas ang “no take” policy niya kaya maraming operating unit ng PNP, lalo na ang CIDG, IG at iba pa ang palihim na kumukurot na sa illegal gambling. At kasama kaya si Gatchalian na nangangarap na maulingan ng pitsa ng gambling lords ang mukha n’ya? Kung sabagay, handang-handa na si Lizarda para pagbigyan si Gatchalian kapag ninais ng huli, di ba mga kosa? Hehehe! Malapit na ang Christmas Day kaya hindi pa huli ang lahat.

Pero atras si Lizarda sa pagkuha ng lingguhang intelihensiya ng CIDG Camp Crame at para kay Sr. Supt. Popoy Natividad, ang regional commander ng CIDG sa Calabarzon. Kasi nga, mahigit 10 “tong” collectors na sibilyan o AWOL na mga pulis ang natsugi na dahil ginagamit nila ang CIDG sa kanilang ilegal na aktibidades. Kabilang na rito si Ka Ben Salandanan, na sagradong bata ni Lizarda. Pero sa ngayon, mga aktibong pulis na ang umiikot sa Calabarzon area at ginagamit ang opisina ni CIDG chief Director Frank Uyami, SRU chief Supt. Ariza at ni Supt. Elenzano ng IG. Mismo!

Para sa kaalaman ni Uyami, ang pangalan ng isang Insp. Garcia ang lumulutang sa financiers ng pasugalan, bookies ng Small-Town Lottery (STL), pergalan, saklang-patay at mga bahay aliwan sa Laguna. Ang taga-kolekta ni Garcia, na naka-assign sa opisina ni Natividad, ay ang isang alyas Noah at Ricky. Sa Batangas, ang kumukuha para sa CIDG, maging sa Camp Crame, PRO4A o provincial office, at ang isang PO3  Dhong Valera samantalang sa Cavite naman ay si alyas Jun Osias. Get’s mo Dir. Uyami Sir? Hehehe! Kanya-kanyang raket lang ‘yan!

Bakit kaya hindi takot matsugi ang mga aktibong pulis na na­ngongolekta ng tong habang nagmamasid si Uyami? Kasi nga mga kosa, kung nalagas ang mga sibilyan at AWOL na pulis na tong collector, maaring pati itong aktibong pulis ay nanganganib na matsugi rin, di ba mga kosa? Tingnan natin kung ano ang maging reaction ni Uyami sa paglapastangan ng mga aktibong pulis sa “no take” policy na kautusan ni Roxas.

Mukhang nabola naman ng mga ilegalista si Sr. Supt. Jerry Fidel, provincial director ng Batangas dahil tuloy pa rin ang operation nila. Ang tinutukoy ko Gen. Gatchalian Sir ay ang pergalan ni Baby Panganiban sa Tanauan; alyas Tessie sa Ibaan; alyas Tita sa Malvar; at alyas Rudy sa Nasugbo. Ilambada mo si Sr. Supt. Fidel, Gen. Gatchalian Sir dahil hindi pinapansin ang “no take” policy mo! May karugtong!

CALABARZON

CAMP CRAME

CIDG

GATCHALIAN

GATCHALIAN SIR

LIZARDA

SR. SUPT

UYAMI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with