^

Punto Mo

Lampong (460)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PERO bago niya si­layan ang anak, si Jinky muna ang inasikaso ni Dick. Ayon sa doktora, dadalhin na sa private room si Jinky. Tulog pa raw ito pero makaraan lang ang ilang oras ay magigising na raw ito. Puwede na raw kausapin.

Pagtungo ni Dick sa private room ay naroon na si Jinky. Tulog pa ito. Naupo siya sa tabi ni Jinky. Pinagmasdan niya ito. Mukhang nahirapan si Jinky sa panganganak. Normal delivery si Jinky. Kawawa naman ang asawa niya.

Maya-maya lang ay kumilos si Jinky. Nag­mulat ng mga mata. Parang galing sa panaginip si Jinky.

‘‘Jinky!’’

Hindi makapagsalita si Jinky. Hinawakan ni Dick sa kamay.

‘Nanganak ka na, Jinky. Pero hindi ko pa nakikita ang baby natin. After one hour pa raw. Hindi ko nga alam kung babae o lalaki.’’

Napangiti si Jinky.

“Ba’t ka nakangiti ?’’

“Wala.’’

‘‘Ano kaya ang anak natin?’’

‘‘Alam ko pero hindi ko sasabihin.’’

‘‘Ah ganun ha?’’ sabi ni Dick at pinupog ng halik si Jinky.

“Baka mabinat ako. Masakit pa itong ano ko.’’

“Kasi ayaw mong sabihin kung ano ang anak natin.’’

“Paano kung mukhang itik ang anak natin?’’

“Huwag kang magbiro ng ganyan.’’

Nagtawa si Jinky.

Maya-maya may ku­matok. Binuksan. Si Tina.

“Kumusta Ninong, Ninang?’’

“Okey na, Tina. Na­nganak na.’’

‘‘Ay salamat sa Diyos.’’

‘‘Mabuti at dumating ka, Tina. Ikaw muna ang magbantay kay Jinky at sisilipin ko ang baby namin sa nursery.’’

“Sige po Ninong.’’

Nagtungo si Dick sa nursery. Bukas na ang kurtina sa malaking salamin. Sinenyasan siya ng aide na babae na isulat ang apelyido ng baby sa isang papel. Ginawa iyon ni Dick. Ipinakita niya sa babaing aide.

Tinungo ng aide ang isang sanggol at inilapit sa may salamin. Hindi makapaniwala si Dick sa napakaganda niyang anak. Masayang-masaya siya. Ganito pala ang nararamdaman ng isang ama.

(Itutuloy)

ALAM

ANO

AYON

DICK

JINKY

KUMUSTA NINONG

SI TINA

TINA

TULOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with