Omega-3 fish oil para sa kalusugan
MARAMI ang nagtatanong kung anong food supplement ang mabisa. Para sa akin, ang Omega-3 fish oil supplements ay napatunayan na ng mga dalubhasang doktor.
Ayon sa JELIS study, isang pagsusuri na ginawa sa Japan, naipakita na ang pag-inom ng Omega-3 fish oil ay nagbibigay ng proteksyon sa ating puso at utak. Sa pag-inom ng Omega-3, ang bad kolesterol natin ay bababa at ang good kolesterol naman ay tataas. May tulong din ang Omega-3 sa mga taong may altapresyon. At hindi lang iyan, may mga pagsusuri na nagpapahiwatig na ang Omega-3 ay maaaring lunas sa sakit sa utak at ugat tulad ng depression, Alzheimer’s disease at arthritis.
Dahil dito, ang tanyag na American Heart Association ay sumang-ayon na maganda ang Omega-3 sa ating katawan. Ang Omega-3 ay nakukuha sa mga “oily†na isda tulad ng sardinas, salmon, tuna at mackerel. Ngunit kailangan pa nating kumain ng napakaraming isda para makuha ang nilalaman ng isang kapsula ng Omega-3.
Alam kong sari-sari nang food supplement ang mabibili ngayon. Mayroon daw para sa puso, sa atay, sa kidney o sa utak. Ngunit ang katotohanan ay ang Omega-3 pa lamang ang napatunayan ng siyensiya na tunay na mabisa.
Isang kapsula lamang bawat araw ay sapat na para maprotektahan ang inyong puso. Hanapin sa internet o ikonsulta sa doktor ang tungkol sa Omega-3. Siguradong masasabi natin na ang Omega-3 nga ang magpapasigla ng ating katawan.
- Latest