Isulat sa balota: King at Joey
MALUWAG sa puso na tinanggap ni kagawad King Ancheta, 30, ang hamon sa kanya ng constituents niya sa Bgy. 446, Zone 44, District 4 ng Sampaloc, Manila na tumakbo bilang chairman sa barangay election sa Oct. 28. Si King ay tatakbo sa theme na “Ang pagbabago ay magmumula sa inyo. Kami lang ang magpapatupad.†Si King mga kosa ay numero unong kagawad sa kanilang barangay. Bilang kagawad, marami na siyang ginawang proyekto tulad ng pamumudmod ng libreng gamot sa mga may sakit, libreng check-up dahil may kapatid siyang doktor, de-clogging ng mga baradong kanal at ang pagpagawa ng gate na bakal sa kanilang kalye. Sa tingin ko mga kosa, itong gate ang medyo matawag nating importante dahil ligtas ang mga constituents niya laban sa mga kriminal at masasamang-loob. At kagawad pa lang si King niyan ha? At dahil sa gate na yan, masasabi kong itong Bgy. 446 ang isa sa mga pinakatahimik na lugar sa ngayon sa Sampaloc area, di ba mga kosa? Kung sabagay malapit lang sa MPD Station 4 ang naturang barangay kaya madaling maka-responde ang mga pulis kapag may nagaganap na krimen. Mismo!
Bilang kagawad, nagpakita na ng public service si King at nais niyang higitan pa ito kapag nanalo siya bilang barangay chairman. Anu-ano pa ba ang gagawin ni King sa kanilang barangay? ‘Yan ang maaring tanong ng mga ka-barangay ni King na hindi pa siya kilala. Bueno mga kosa ko diyan sa Bgy. 446, ang plataporma ni King ay ang paigtingin pa ang peace and order sa sakop nyang barangay. Siyempre, para isulong pa ang peace and order kasama diyan ang pagpakabit ng CCTV cameras sa ilang sulok ng barangay para makita ang gawain ng masasamang damo sa lipunan. Kapag buwenasin siyang ma-elect bilang barangay chairman, nangako si King na hindi niya kukunin ang quarterly na suweldo niya at imbes gagawa siya ng mga proyekto na ang mga senior citizens ang makikinabang. O ayaw n’yo pa ba ng chairman na bukas ang palad, ha mga kosa ko sa Bgy. 446? Hindi lang ‘yan! Magkakaroon din ng quarterly dental and medical mission at maging ng monthly feeding program para sa mga mahihirap na pamilya. Wow! Bongga naman ang mga residente ng Bgy. 446 kapag nakalusot si King, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang yan!
Kaya sa Oct. 11 hanggang Oct. 17, si King ay magpaparehistro na sa Commission on Elections (Comelec) para sa kanyang kandidatura. Mag-uumpisa ang kampanya sa sunod na araw Oct. 18 at hanggang Oct. 26 naman. Hindi puwede ang vote-buying at iba pang ipinagbawal ng Comelec ha mga kosa kong tatakbo sa barangay election sa Oct. 28?
Teka nga pala. Tatakbo rin bilang kagawad si Joey Salalac, 21. Nakita kasi ni Salalac na seryoso si King na magserbisyo sa barangay nila kaya nahikayat siyang samahan ito sa tiket nya. Siyempre, kailangan ni King ng galamay o kanang kamay sa pagpatakbo ng barangay kaya dapat ding isulat n’yo sa balota ang pangalan ni Joey matapos ang kay King ha mga kosa? Hehehe! Ilang tulog na lang at malalaman natin ang kasagutan! Abangan!
- Latest